Goin’ Bulilit star Julijo Pisk, balik showbiz na!

throy Catan
Ni: Throy Catan

Juljo Pisk

Naaalala niyo ba ang child star na si Julijo Pisk? Pagkatapos ng ilang taon, muling magbabalik showbiz ang Goin’ Bulilit star. Kung natatandaan niyo, nakilala si Julijo bilang isang commercial model ng kilalang brands katulad ng Colgate, PLDT, and Palmolive.

Napasama na rin siya sa mga bigating pelikula katulad ng A Love Story kasama sina Maricel Soriano, Aga Muhlach, at Angelica Panganiban; My Cactus Heart kasama sina Maja Salvador, Matteo Guidicelli, at Xian Lim; at marami pang iba.

Ang huling appearance niya sa telebisyon ay noong nakapasok siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Boyband Superstar.

Ang tanong: bakit kaya siya pansamantalang nawala sa showbiz? “Nag-focus po ako sa pag-aaral. Then, nung nag-eighteen na po ako ay pinamana sa akin iyung kompanya po namin. So ngayon tinapos ko po ang high school tapos po naka-focus po ako sa pagma-manage po ng kompanya po namin…” Saad niya. Star Horizon Management and Talent Center ang pangalan ng family business nila kung saan nagma-manage sila ng talents at nagpo-produce ng events katulad ng fashion show.

Ngayon ay bumabalik na siya sa showbiz at may planong pasukin ang music industry, “Opo, hopefully soon [magka-album or single po ako next year]. Single muna po, [at ilalabas po sa] Spotify, iTunes…” Sabi niya.

Sino kaya ang mga hinahangaan na singer at actor na nagbibigay sa kanya ng inspiration? “Sa international, sa male, si Bruno Mars. Tapos sa female po, siguro si Adele po kasi punung-puno ng emotion ang kanta niya.

“Sa local naman po, sa female po, si Yeng [Constantino]… Puwede po bang banda? Iyung Ben & Ben kasi po magaganda po ang mga kanta nila at medyo original ang tono.

“Gusto kong makasama [sa shows at movies]… Si Mika dela Cruz po kasi dati, noong bata pa po ako sa Goin’ Bulilit, kami po iyung pina-partner. Iyung tumigil na po ako tapos sumikat na po siya, hindi na po kami nakakasama masyado pero mga nanay po namin sobrang close po sila. Kung babalik po ako sa showbiz, siya po ang gusto kong makasama.” Sabi ni Julijo.

Julijo Pisk ay under ng Star Chaser na pinamumunuan ng composer-manager na si Joel Mendoza.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s