Catriona Gray, kinilig sa interview kasama ang kanyang Boyfriend na si Clint Bondad

throy Catan
Ni: Throy Catan

VIRAL na ngayon ang nakakakilig na interview nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at ang kanyang long-time boyfriend na si Clint Bondad. Kahit na matagal na ang nasabing videos ay bigla itong nag-viral pagkatapos ang pagkapanalo ni Catriona sa Miss Universe. Ang viral videos ay inilabas sa official YouTube channel ng ABS-CBN Lifestyle noong August 7, 2018.

Ang interview ay may kasamang laro na kung tawagin ay “Fill in the Blank”. Sa larong ito, iduduktong nina Catriona at Clint ang sagot nila sa phrase na sasabihin ng interviewer.

Isa sa mga nakakaaliw nilang usapan ay tinanong si Clint kung ano ang gusto ni Catriona. “[Catriona likes to] use me as a punching bag… She likes it. I like it, too. I don’t, but sometimes I do.” Sabay tawa ang dalawa.

“[Clint likes to] eat everything. I used to like make big batches and expect that they will last in the fridge for about five days of leftover until I met him, and it only lasted for one meals.” Sagot naman ni Catriona

Dahil sa kanilang sobrang ka-sweet-an at undeniable chemistry, hindi maiwasan ng mga fans na humanga sa kanila. Napansin ang isang fan na nage-enjoy si Catriona sa interview dahil sa sense of humor ni Clint, “Clint has a good sense of humor. No wonder why Catriona is genuinely happy with him. May God bless your relationship. ❤️ #CATGANERN #MISSUNIVERSE2018” Sabi ni Geralyn de Leon sa comment section.

“I like that they’re both half Filipino with strong Filipino traits— like joyful ness, jovial spirit, charming personality, eating, clapping hands when laughing, just happy personality. Any Filipino can relate and be comfortable with them despite being born overseas. I’m proud of their parents who taught them to value their positive Filipino values, what others like us for— the kind of positive people we are.” Sabi naman ni LovePinay.

Si Catriona Gray ay kinoronahan bilang Miss Universe na ginanap sa Bangkok, Thailand last Monday morning, December 17th. Siya ang pang-apat na Pilipina na kinoronahan sa nasabing beauty pageant. Ang mga nauna ay sina Gloria DiazMargie Moran, and Pia Wurtzbach na nanalo noong 1969, 1973, and 2015, respectively.

catriona clint interview

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s