Miley Cyrus and Liam Hemsworth, kinasal na!

throy Catan
Ni: Throy Catan

MARAMI ang natuwa sa balitang kinasal na ang singer-actress na si Miley Cyrus sa kanyang long-time boyfriend na si Liam Hemsworth. Shinare ni Miley ang mga letrato during her wedding ceremony.

Ayon sa aming sources, ginanap ang wedding sa bahay ni Miley sa Franklin, Tennessee nung Linggo, December 23. Kung maaalala natin na dati nakatira sina Miley at Liam sa California pero nasunog ito dahil sa wildfire kasama ang mga bahay ng kilalang Hollywood stars.

Mga close friends at family lang ang invited sa nasabing wedding ceremony. Wala pa ring balita kung kasama rin sa na-invite ang kapatid ni Liam na si Chris Hemsworth na gumanap bilang Thor.

Kahit nung Linggo pa ang wedding ay ngayon lang pinost sa ni Miley sa kanyang Twitter account ang mga letrato. Mukhang sweet na sweet at masaya ang dalawa habang nagyayakapan at naghahalikan.

Nagkita sina Miley at Liam during ng shoot ng kanilang pelikulang The Last Song. Nag-propose ang Australian actor kay Miley noong 2012, pero naghiwalay din sila a year later. Nagkita sila muli noong 2015 at naging sila ulit the next year.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s