“Fantastica”, kumita na raw ng P300 Million

throy photo name

MARAMI ang nagtatanong kung magkano na ang kinita ng mga pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival. Marami nagsisilabasan na mas marami raw ang kinita ng pelikulang Fantastica na pinagbibidahan nina Dingdong DantesRichard Gutierrez, at Vice Ganda. Sumunod daw ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles nina Coco Martin, Maine Mendoza, at Vic Sotto; at ang Aurora na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Kahapon, Disyembre 30, nag-post ng tweet si Vice Ganda sa kanyang Twitter account at nagpasamalat sa mga ‘madlang people’ na nanood ng Fantastica. Ang sabi sa tweet: “300Million THANK YOUS Madlang People kong mahal!!!! Panalo ang masaya!!!

Marami ang nakapansin sa tweet ni Vice, at ang speculation ay baka nag-earn ang Fantastica sa mahigit P300 Million.

Kung natatandaan ninyo, bumida si Vice Ganda sa pelikulang Gandarappido: The Revenger Squad last year, at kumita ng more than P300 million within five days. According sa Cinema, ang overall earnings ng pelikula ay umabot sa  PHP571 million, at tinaguriang “the highest-grossing Filipino movie of all time”. Isa sa mga entry ng Metro Manila Film Festival 2017 ang Gandarappido: The Revenger Squad.

Sa ngayon, wala pang official announcement tungkol sa kinita ng lahat ng MMFF 2018 entries.

fantastica

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s