Kiray Celis, Kapuso na!

throy photo name

MUKHANG maganda ang bagong taon ni Kiray Celis dahil official Kapuso na.

Ang dating Kapamilya star ay pumirma na ng kontrata under GMA Artist Center. Shinare sa kanyang Instagram account last Thursday, January 3, ang kanyang mensahe at pasasalamat sa bumubuo ng GMA Artist Center.

Anya: “NEW YEAR. NEW CHAPTER. NEW WORKPLACE. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa akin, GMA ARTIST CENTER. Excited po ako sa aking bagong kabanata sa aking buhay.

“Salamat sa chance na binigay niyo sa akin Para mas lalo ko maipakita sa mga manunuod kung paano ko pa sila mapapasaya at mapapangiti. Kung ano pa yung di nila nakikita at kung ano pa yung kaya kong ipakita.

“Hangad ko lang ay trabaho at makapag pasaya ng mga tao.” Sabi ni Kiray.

First week pa lang sa GMA ay todo dami na ng kanyang proyekto. Isa na rito ang Daig Ka ng Lola Ko, Dear Uge, at Maynila. “Kaya abangan niyo po ako sa mga guestings ko sa DAIG… at sa sabado po, abangan niyo po ako sa MAYNILA. 9:45am. At DEAR UGE 2:30. ngayong linggo. ❤️” Sambit ni Kiray

Nabanggit din niya na magkakaroon siya ng teleserye na may pamagat na Luv U 2 na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Bata pa si Kiray nung nagumpisa ang kanyang career sa Kapamilya network. Isa sa mga una niyang pelikula ay ang Pera o Bayong (Not da TV), SupahPapalicious, at Mano Po. Naging parte din siya ng youth-oriented show na Goin’ Bulilit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s