Alex Gonzaga, naaliw sa kakaibang niluto ng PBB Housemates

throy photo name

NAGULAT ang mga PBB housemate from Camp Star Hunt na may dumating na special guest. Ang kanilang guest ay walang iba kundi si Alex Gonzaga.

Nung gabing iyun, dinalaw ni Alex ang housemates para mag-dinner. Bawat isang housemates ay naghain ng kanilang special dish na related sa kanilang buhay.

Ang unang nagkuwento ay si Hanie. Ang special dish niya dapat ay Fettuccine Alfredo pero nagluto na lang siya ng Carbonara. “The reason I chose iyung luto na iyan is because that is my favorite dish that my mom cooks.” Sabi ni Hanie.

Sumunod naman ang Bombshell Sweetie ng Singapore na si Tori, at nagluto siya ng Singaporean Beehon, isang noodle dish na halos may pagkakahawig sa kinagisnan nating tapsilog. “Special po siya sa akin kasi I’ve been eating it grade school, high school. Staple food po siya.” Sabi ni Tori.

Naaalala naman ni Mary Grace ang kanyang alaga sa Hong Kong nung niluto niya ang Filipino-style Spaghetti with Mushroom. “Kasi ang alaga ko sa Hong Kong gusto niya iyung spaghetti na red sauce, pero at the same time gusto niya may mushroom kaya nilagyan ko kasi love na love ko rin ang alaga ko sa Hong Kong kasi tinurin nila akong pamilya.” Sabi ni Mary Grace.

Nagluto naman ng Spicy Chicken Adobo si Mark. Sabi ni Mark ay favorite food niya ito at gustung-gusto rin kainin ito ng kanyang asawa at anak.

Italian dish naman ang niluto ni JC na kung tawagin ay Petto di Pollo con Salsa al Limone (sa Ingles ay Lemon Chicken). Anya: “Iyan iyung first na dish na tinuro ng mama ko. From that on, doon ako nagkaroon ng passion for cooking.” Deklara ni JC.

Kahit first time magluto, hindi naman nagpahuli si Patrick. Ang kanyang pagkain na niluto ay Fried Chicken.

Seafood pancit naman ang special dish ni Thea. According to Thea, specialty ng nanay niya ang food na ito.

Another adobo dish naman kay Shawntel. Ang special dish niya Spicy Sweet Citrus Adobo. Ito ang unang food na tinuro sa kanya ng tatay niya pero iniba niya ang recipe dahil nilagyan niya ito ng citrus flavor.

Pinagmamalaki naman ni Alex Gonzaga ang unang food na natutunan niyang lutuin… ang kanin.

Panoorin ang Pinoy Big Brother Otso sa hapon pagkatapos ng Los Bastardos, weeknights pagktapos ng Halik, Sabado pagkatapos ng Home Sweetie Home, at sa Linggo pagkatapos ng Wansapanataym.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s