Tori Garcia, nadamay sa away nina Mary Grace at Mark

throy photo name

HINDI rin natin maiiwasan ang ‘di pagkakaunawaan sa isa’t isa. Normal lang naman ito lalo na ilang linggo mo pa lang nakikilala ang isang tao. Ganito ang nanyari sa mga housemates ng Camp Star Hunt.

Nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan kina Mark at Mary Grace habang ginagawa nila ang task na pinapagawa sa kanila ni Kuya. Ang task nila ay magplano ng isang munting calenderia. Nanyari ang maliit na alitan last Thursday, January 10.

At that time, nagpaplano sila kung anong putahe ang dapat nilang lutuin. Gusto ni Mary Grace na damihin ang luto, while si Mark ay hindi sumang-ayon. Meron din sinuggest si Mary Grace kung paano lutuin ang pagkain, pero sinabi ni Mark na baka tumagal lang ang pagkakaluto kung gagawin iyun.

Nadala ang hinanakit nila sa isa’t isa nung naglaro sila ng Spin the Bottle last Sunday. Tumigil ang pag-ikot ng bote kay Mary Grace. Tinanong siya ni Tori kung nagtampo siya sa kanyang housemates. Diretsong sinabi ni Mary Grace ang pangalan ni Mark.

“Na-disappoint talaga ako sa kanya. Kasi ‘di ba nag-release tayo ng list ng ingredients ni Kuya. Sinagot mo akong ‘Kalma lang!’ kasi ginanon mo ako. Hanggang sa lumaki na ang boses ko. Respect mo ako. Wala ka bang trust sa akin?”  Sabi ni Mary Grace.

“You should have told me.” Reply naman ni Mark.

“Hindi. Ikaw iyung nag-back-out.” Sagot ni Mary Grace.

Kahit na nagkakainitan na ang dalawa ay tinuloy pa rin nila ang paglaro ng Spin the Bottle. This time nakaturo ang bote kay Mark. Ang tanong kay Mary Grace ang itinanong kay Mark.

Inamin ni Mark na ang feeling ay pinagtutulungan daw siya nina Mary Grace at Tori. “Iba ang galit sa tampo… kung galit iyun, hindi kita papansinin. Hindi kita kakausapin.” Depensa ni Mary Grace.

“Kapag nagalit ako sa isang tao, I just like [pout na lang]” sabay pout ni Tori.

At the end nag-sorry si Mark sa kanyang ginawa. “I have to say sorry… ayaw kong mag-ipon ng apoy dito sa loob. Kasi I don’t want to masu-spoil ang relationship na nasa loob.” Sabi ni Mark kay Kuya.

“Medyo nakaluwangluwang po siya konti kasi naghahanap ako ng time na gusto ko mag-open up sa kanya iyung mga pangyayari na iyun” Kuwento ni Mary Grace.

“I feel relive na na-express ko po iyun sa kanya. Nagulat po ako na meron siyang feelings na ganoon sa akin. Feeling ko hindi resolve ang issue ko kasi Iyung character po ni Kuya Mark ay hindi ko kaya ma-meet. Hindi na lang po ako magko-comment sa kanya para hindi po siya masaktan.” Sabi ni Tori kay Kuya.

Panoorin ang Pinoy Big Brother Otso sa hapon pagkatapos ng Los Bastardos, weeknights pagktapos ng Halik, Sabado pagkatapos ng Home Sweetie Home, at sa Linggo pagkatapos ng Wansapanataym.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s