‘Born Beautiful’, mapapanood sa R-16 at R-18 versions; Martin, tiyak na hahangaan sa mahusay na pagganap

Ni:  Rohn Romulo

NOONG 2016, ipinalabas ang Die Beautiful na naging favorite ng manonood at kritiko dito at sa ibang bansa.

Ilan lang ito sa mga pelikulang nanalo rin ng international awards at naging blockbuster hit sa Metro Manila Film Festival.

After three years, palabas na ang spin-off film na Born Beautiful cinemas nationwide.

“If there’s a Marvel Universe, why can’t there be a Beautiful Universe?” pahayag ng director na si Perci Intalan.

“There are so many fascinating and heartwarming stories based on the transgender experience and Die Beautiful has proven that these stories are universal, you don’t have to be LGBTQ to appreciate it and be moved by it.”

born b

Sa Born Beautiful sesentro ang movie sa story ng best friend ni Trisha (Paolo Ballesteros) na Barbs Cordero na gagampanan ni Martin del Rosario. 

After ng sudden death ni Trisha, ipagpapatuloy ni Barbs ang kanyang buhay bilang mortuary beautician sa Happy Ending Funeral Homes.

Nang may mamatay na naman siyang kaibigan, sinubukan niyang magsimula uli ng bagong buhay at nagpakalalaki bilang Bobby. Magkakaroon ng chain of events, magkakaroon siya ng relasyon sa ex-boyfriend ni Trisha, sa kanyang ex-boyfriend na si Greg at sa isang babae, na  gugulo sa kanyang buhay.

Ilang linggo nang pinag-uusapan ang Born Beautiful, hindi lang dahil sa eye-catching posters na gandang-ganda ang lahat kay Martin,  pati na ang trailer ng passionate kissing scenes niya kina Kiko at Akihiro.

“Martin and the cast are just fearless,” pahayag ni Direk Perci.

“They became so immersed in their roles and they bonded well behind the scenes so there was no hesitation in doing kissing scenes or even love scenes.          

“The moment Martin dresses like Barbs, Martin becomes Barbs. And all the other cast  responded to that.  All the characters came to life.”

Bukod kay Martin, kasama rin sa cast sina Lou Veloso, Chai Fonacier, Kiko Matos, Akihiro Blanco, Elora Españo, Joey Paras, Jojit Lorenzo, Gio Gahol, VJ Mendoza at may special participation ang bida ng Die Beautiful na si Paolo Ballesteros, na kahit ilang eksena lang tatatak ito sa manonood.

martin pop out on white

The film was rated R-18 by the MTRCB kaya mas lalong  na-curious ang manonood.

Sabi ni Direk Perci, “We knew the film is best appreciated by a mature audience so we were applying for an R-16 rating from the start.  But the MTRCB felt it needed a higher rating.   “We were even asked to cut some scenes and bleep out some lines to get that R-18! And that was surprising because most of the scenes were actually comical situations.”

Born Beautiful is written by Die Beautiful creator Jun Robles Lana at ang screenwriter ay si Rody Vera kasama sina Elmer Gatchalian, Ivan Andrew Payawal and Fatrick Tabada. The film was produced by Cignal Entertainment, October train Films and The IdeaFirst Company.

Bago nga natapos ang pocket interview kina Direk Perci, Direk Jun at Martin, may beautiful news, dahil ang Born Beautiful ay magkakaroon ng R-16 version (bukos sa R-18) na in-approve  ng MTRCB.

Kaya mapapanood na rin sa mga SM Cinemas nationwide at mas marami ang makakapanood in more than 100 cinemas. Masuwerte rin dahil wala silang kasabay na Filipino film na nagbukas.

Kaya sugod na sa mga sinehan at makitawa sa Born Beautiful na kung saan talagang hahangaan si Martin sa kanyang nakapahusay na pagganap.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s