Ronnie Liang, may upcoming solo concert kasama si Sarah Geronimo

throy photo name

 

ronnie-liang-a-valentine-date-with-the-prince

MASAYANG-MASAYA sa takbo ng kanyang career ang singer-actor na si Ronnie Liang. Sunud-sunod ang mga shows and other projects niya. Tinanong ko siya tungkol sa concert tour ng Pop Star Princess Sarah Geronimo na This 15 Me.

Anya “Sa Cavite po… concert po iyan ni Sarah Geronimo. This 15 Me sa Dasmarinas, Cavite on April 27th. Ako po iyung isa sa mga guest performers with Sam Concepcion.” Sabi ni Ronnie. May concert din sina Sarah G at Ronnie sa Baguio University on May 18th.

Binanggit din niya ang upcoming Valentine concert niya na pinamagatang A Valentine Date with the Prince… Ronnie Liang on February 14 sa Music Hall Metrowalk. Meron din siyang major solo concert on May 10th sa Kia Theater (dating New Frontier) Araneta Center sa Cubao. Isa sa kanyang special guests ay si Sarah Geronimo. Ang nasabing concert ay under ng Viva Live.

Inanunsyo ni Ronnie na out na ang kanyang latest album na 12 under Viva Records. Kaya 12 ang title ay dahil 12 years na siyang sa showbiz. Available na ito sa Spotify, Deezer, iTunes, at marami pang iba.

Last month, ni-release sa official Viva Records YouTube channel ang bago niyang music video na Ligaya. Ang kantang Ligaya ay unang pinasikat ng bandang Eraserheads.

Meron din siyang movie na may titulong Maria starring Christine Reyes under Viva Films. Ipapalabas ang nasabing pelikula this year.

Isa sa nga upcoming shows niya ay ang bagong travel show. Sa ngayon ay wala pang detalye kung kailan ipapalabas ang bago niya show. Meron din siyang teleserye na may pamagat na Ghost Adventures na ipapalabas sa Sari Sari Channel sa Cignal.

Kapag hindi busy si Ronnie sa showbiz, nag-aaral siya ngayon bilang isang piloto.

Para sa dagdag na detalye tungkol kay Ronnie Liang, bisitahin ang kanyang official Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s