Tori Garcia, evicted na sa Bahay ni Kuya; taong-bayan, nagalit sa resulta

throy photo name

MARAMI ang nalungkot sa pag-evict sa Bombshell Sweetie ng Singapore na si Tori Garcia. Nangyari ang Third Eviction Night kahapon, February 18 sa labas ng Big Brother House.

Sa paglabas ni Tori ay halos lahat ng audience sa labas ng bahay ay nag-cheer sa kanya kahit iba ang bet nilang housemate. “Tori! Tori! Tori!” Sigaw ng mga tao sa kanya.

tori edit

Hindi maiwasang mapaiyak sa tuwa si Tori dahil sa natanggap niyang warm welcome. Patunay na alam nang tao na talagang nagpakatotoo siya at ginawa ang lahat para magawa ang mga task ni Kuya. Kahit na maikli ang stay niya sa Bahay ay enough na rin ito para mag-shine ang kanyang pagiging mabuting housemate, at talented na artist.

Lalong napaiyak at napaluhod si Tori nang malaman niyang pumasok sa Bahay ni Kuya si JC from Camp Star Hunt. Matatandaan natin na si JC ang isa sa mga ka-close ni Tori nung nasa Camp Star Hunt pa si Tori.

After ng eviction, marami ang nagalit at nalungkot na netizens sa social media tungkol sa resulta. Karamihan ay puro papuri kay Tori. Ang iba naman ay nagde-demand na gawing wildcard si Tori.

Ako mismo ay nalungkot sa pangyayari pero bilib ako sa abilidad ni Tori. Alam ko na hindi siya pababayaan ng ABS-CBN dahil lahat ng hinahanap sa isang talento ay na kay Tori na. She can sing, she can act, may experience na pag-perform sa mall shows at nakasama na siya sa mga bigating teleserye katulad ng Wildflower at La Luna Sangre.

Panoorin ang Pinoy Big Brother Otso sa hapon pagkatapos ng Los Bastardos, weeknights pagktapos ng Halik, Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, at sa Linggo pagkatapos ng Rated K.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s