Iyah Mina, endorser na ng beauty brand na “Prestige”

throy photo name

MASAYANG-MASAYA ang transgender actress na si Iyah Mina dahil endorser na siya ng Prestige. Ginanap ang contract signing sa studio ng Cornerstone Entertainment Inc. sa Quezon City. Pumirma si Iyah ng kanyang kontrata kasama ang Heneral Luna star na si Arron Villaflor.

Matatandaan natin na nagbunhi ang LGBT+ community sa pagkapanalo ni Iyah bilang Best Actress sa Cinema One Originals 2018. Gumanap siya bilang transgender sex worker sa pelikulang Mamu; and A Mother Too. Bongga dahil first movie niya ang Mamu at nagka-award pa!

Ano kaya ang masasabi ni Iyah sa kanyang natamong achievement sa kanyang career? “Sabi nila history maker daw [ako]. Bahala na. Basta nagpapasalamat ako. Sobra.” Sabay tawa si Iyah.

iyah prestige

Sino kaya ang dream leading man na gusto niyang makasama sa kissing scene? “Kung pipili po ako, siyempre iyung talagang hot na… Sa Los Bastardos. Lahat sila. Sabay-sabay sila.” Biro ni Iyah. Pero inamin niya na humahanga siya sa galing sa pag-arte ang mga actor sa Kapamilya show na Los Bastardos. “Kasi mahuhusay silang actor. Magagaling umarte po… Full package na.” Dugtong niya.

Ngayon ay sunud-sunod na ang mga projects na kanyang natatanggap. Kahit na maraming blessings, hindi rin maiwasan na ihiling na sana matanggap ng tao na magkaroon ng pagkapantay-pantay na pagtanggap sa LGBT community.

Para sa dagdag na impormasyon at latest projects ni Iya Mina, bisitahin ang kanyang Instagram page.

Maliban kay Iyah Mina, ang top endorsers ng Prestige ay sina Arron VillaflorAlbie Casiño, Wryan ChuaGreg HawkinsKatrina Halili, and more.

Tinayo ni CEO Mannix Carancho ang kanyang beauty company na Mannix Carancho Prestige Corporation. Ito na ngayon ay isa sa mga leading corporation na nagpo-produce ng skin care products para sa lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s