Coco Martin at cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” makikisaya sa “Kapamilya Fiesta World Japan”

throy photo name

Babati ng kon’nichiwa ang cast ng ABS-CBN series na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa kanilang mga tagahanga sa Japan dahil dadalhin sila doon ng ABS-CBN Regional Group at The Filipino Channel (TFC) para sa gaganaping “Kapamilya Fiesta World Japan” sa April 21 sa Ichikawa City Cultural Hall sa Chiba Prefecture.

Makikisaya si Coco Martin kasama sina Yassi Pressman, John Prats, Smugglaz, Bassilyo, Empoy, at Pooh sa isang pagdiriwang ng pistang-Pilipino na puno ng kulay at kasiyahan.

Siguradong simula pa lamang ng pagdiriwang ay puno na ng tawanan hatid ng host na si Pooh.

Magpapasiklab naman sa kantahan sina Smugglaz at Bassilyo, na unang nakilala sa larangan ng pagra-rap bago sinubukan ang mundo ng pag-arte. Balik Japan naman si Empoy isang taon mahigit matapos ang matagumpay na pelikula niyang “Kita Kita” na kinunan sa siyudad ng Sapporo sa Hokkaido, Japan.

Kapamilya Fiesta World Japan-Poster

Mapapasayaw naman ang lahat sa mga ipapakitang dance moves nina Dancefloor Princess Yassi Pressman at Dancefloor Dynamite John Prats.

Si Prince of Philippine TV Series Coco Martin ay manghaharana at pakikiligin ang mga manonood.

Huwag palagpasin ang hapon na puno ng kasiyahan at world-class na pagtatanghal mula sa cast ng ABS-CBN top-rating serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa “Kapamilya Fiesta World Japan” sa April 21 sa Ichikawa City Cultural Hall sa Chiba Prefecture.

Iniimbitahan ang lahat na makisaya sa FREE event na ito. Habang may exclusive promo naman para sa mga TFC subscribers. Para sa karagdagang impormasyon at malaman ang terms and conditions ng promo, maaaring makipag-ugnayan sa TFC customer service representatives via chat sa official Facebook page ng TFC Japan, padalahan ng email sa customerservicejp@abs-cbn.com, o tawagan sa 0120-832-863 (landline) o 03-6868-2024 (mobile).

Ang promo ay for a limited time only, until supplies last. Promo period ay mula February 1 hanggang April 20, 2019.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa event, bisitahin at i-like ang TFC Japan Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s