Kathelyn Dupaya, sinampahan ng kasong ‘Syndicated Estafa’

throy photo name

SINAMPAHAN na ng kasong Syndicated Estafa ang Brunie-based Filipino business woman na si Kathelyn Dupaya. Ang naghain ng kaso ay ang aktress na si Ynez Veneracion at isa pang di umano’y nabiktima ni Kathelyn na si Susan Ortega.

Nagsama-sama ang mga taga-media para alamin ang development ng kaso. Inanunsyo ni Atty. Ferdinand Topacio, lawyer ng mga nagreklamo laban kay Kathelyn, ang buong detalye ng kaso.

Hindi lang si Kathelyn ang Masasampahan ng kaso, pati na rin ang asawa niyang si Mariano Dupaya, Sunnix Lahoylahoy, Mastika Nooryati Binti Haji Lakim, Rhea Viernes, Rhayann Pasiola, Marjori Bandi, at isang alyas “Flor” at “Alex“, sa Parañaque Prosecuter’s Office kamakailan.

 

Ayon kila Ynez at Susan, dahil sa mga kuwento at pang-eengganyo ni Kathelyn at ng kanyang mga ipinakilalang mga empleyado at kasamahan sa kanyang business di umano na siya daw ay isang bigtime na businesswoman at maraming ari-arian, at sa pangakong bibigay sila ng mataas na interest (5-6% weekly/monthly), nag-invest sila ng malaking halaga sa MK Group of Companies na pag-aari ni Kathelyn at ng kanyang asawa.

Sa una ay natupad naman ni Kathelyn na ibigay ang napag-usapang mga monthly profits o interest nila Susan at Ynez, pero hindi nagtagal, hindi din niya natupad ang kanyang mga pangako na ibigay ang mga naturang weekly/monthly na interest, pati na rin ang kabuuan ng investment capital ni Susan.

Ilang beses nilang pinipilit si Kathelyn na bayaran ang kanyang mga nasabing obligasyon subalit paulit-ulit lang siyang magbibigay ng kung anu-anong mga dahilan kung bakit hindi niya matupad ang kanyang mga pangakong magbayad hanggang sa tuluyan na nga siyang hindi nagbayad.

Maalala na si Kathelyn Dupaya ay kinasuhan din ng Estafa case ni Joel Cruz, ang tinaguriang “The Lord of Scents,” dahil umano sa pangi-scam niya kay Joel ng milyon-milyong halaga sa pamamagitan din ng paeengganyo sa kanya na mag-invest din sa MK Group of Companies ni Kathelyn matapos pangakuan siya ng mataas na interest.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s