Ms. Universe International 2018 Faye Tangonan, focus ngayon sa pagtulong sa less fortunate children

throy photo name

KAHIT na petite si Ms. Universe International 2018 Faye Tangonan ay always posturang beauty queen ang dating.

Kasalukuyan ngayong naka-base sa Hawaii si Faye, pero hindi pa rin niya makalimutang tumulong sa kapwa niya Pilipino sa US at sa ‘Pinas.

Tubong Cagayan si Faye Tangonan, at nag-aral sa St. Paul Collage sa Quezon City sa kursong BS in Hotel and Restaurant Management. Ang ama niya ay dating Regional Trial Court judge sa Cagayan. Bago pa siya nag-migrate sa Amerika, nakapagtayo na siya ng resort sa Cagayan.

Maganda naman ang takbo ng buhay ni Faye sa Pilipinas, pero bakit nag-migrate siya sa Hawaii? “You know, we all know that going abroad gives us opportunity or give us better life… I just migrated in Hawaii to help my sister.” Sabi ni Faye

Kung tutuusin ay hindi na kailangan maging beauty queen si Faye dahil okay naman ang kanyang buhay. Ano kaya ang dahilan kung bakit sumali siya? “I just want to make a difference and be inspiration to all. You know I’m very petite and I want to change the perception, you know, that we live in society that beauty queen is for tall lady. I want to change that.” Sambit ni Faye.

As a beauty queen, meron siyang advocacy na tumulong sa mga less fortune na tao sa US at lalo na sa Pilipinas. “I actually launched my own foundation with Miss Universe International Youth Foundation which focuses on helping the less fortunate children. My goal is to create a better world with compassion, grace, and humanity.” Say ni Faye.

Sa ngayon ay focus siya sa kanyang foundation. Isa rin siya sa makakatanggap ng parangal mula sa Philippine Empowered Men and Women of the Year 2019 na gaganapin ngayong Marso 13, Miyerkules sa Music Museum. Inimbita rin siya bilang judge sa isang beauty pageant sa Cambodia.

For more information about Faye Tangonan, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s