Ara Altamira, nagpakitang gilas sa concert show na “March Fever”

throy photo name

KAKAIBA ang performance ni Ara Altamira sa concert na pinamagatang “March Fever“. Kung ang mga kasabayan niya ay magagaling bumirit, si Ara naman ay pa-sweet pero chill ang kanyang mga kanta. Kung tutuusin, masarap panoorin ang mga singers na may kani-kanilang istilo sa pagkanta.

Naaliw ang manonood kay Ara dahil sa sarili niyang rendition ng kantang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” na pinasikat ni Rey Valera. Pa-sweet naman ang pagkanta ng isang Regine Velasquez classic na “Pangako“.

Si Ara Altamira ay isa sa mga cast ng Kapuso show na Daddy’s Gurl na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maine Mendoza. Lumalabas din siya sa Kapamilya show na Ipaglaban Mo, at may dalawang upcoming movies from Regal Films na Papa Pogi na pinagbibidahan ni Ted Corpuz at Stranded na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde.

Maliban kay Ara, nakisama rin sa kantahan ang Kapuso star na si Andrew Gan (Asawa Ko, Karibal Ko; Super Ma’am), Child Song Bird International winner Jennelyn Gagajena, singer Maricar Aragon, at Ivory Records recording artist Lester Paul. Hindi rin nagpahuli ang dalawang front acts na sina Jazz Rosales and Jose Sarmiento.

March Fever is presented to you by TJC Entertainment Productions. Nagpapasalamat naman ang TJC Entertainment Productions sa mga nag-sponsor: Faye TangonanAbove Aesthetics CenterDental First, Inc.Throycath Travel and Tours Agency, Bakes & BrewsRIJ Events and Talents Management, at Frontrow Philippines.

Official media partners are Peoples’s Balita Showbiz and Showbiz News Intrigues.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Ara Altamira, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s