Ogie Alcasid, masaya sa pagkapanalo ni Ina Raymundo sa isang international film fest

NI: Throy Catan

MAPAPANOOD na sa sinehan bukas ang isa sa pinag-uusapang Cinemalaya entries na Kuya Wes. Pinagbibidahan ito nina Ina Raymundo at Ogie Alcasid as the title character.

Naging patok ang nasabing pelikula marahil sa magandang chemistry ni Ina at Ogie, at maraming nakaka-relate sa story ni Kuya Wes. Plus, maaaliw ka sa mga jokes na binibitawan ng mga nagsipagganap.

ogie-kuya wes

Sa mga hindi nakakaalam, umiikot ang kuwento ng pelikula kay Kuya Wes, isang remittance clerk na na-in-love sa isang regular customer na si Erika (Ina Raymundo). Magkakatuluyan kaya sila in the end? Ito ang dapat niyong abangan.

Inamin naman ni Ogie na hindi masama ang loob niya nang hindi siyang nanalong Best Actor sa katatapos lang na 39th Fantasporto-Oporto International Film Festival na ginanap pa sa Portugal. Mas lalo siyang natuwa dahil natanggap naman ni Ina ang Best Actress award sa nasabing international film fest.

Ang mahalaga lang kay Ogie ay ma-enjoy ng tao ang pelikulang lalo na siya mismo ang executive producer ng pelikula. Karamihan sa mga reviews na natatanggap niya tungkol sa pelikula ay puro positibo.

Mapapanood ang pelikulang Kuya Wes sa mga sinehan ngayong Miyerkules, Marso 13.

sf-kuya wes

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s