Unang araw ng burol ni Chokoleit, binisita ng malalapit na kaibigan sa showbiz

throy photo name

MARAMI ang nalungkot at nabigla sa pagpanaw sa komedyante na si Chokoleit. Sa unang araw ng burol ay nagdaksahan na ang mga naging katrabaho at mga kaibigan sa showbiz.

Nalulungkot ang kaibigan ni Chokoleit na si Pokwang sa nangyari. Dumalaw si Pokwang kasama ang kanyang asawa na si Lee O’Brien. Nahihinayang din siya dahil marami pang projects ang gusto pang gawin ni Chokoleit this year. Isa na rito ang malaking concert na pinamagatang 4 Da Laffs. Kahit na nalulungkot, nagpapasalamat pa rin si Pokwang na nasa piling na ng Maykapal si Chokoleit.

Isa rin sa mga naunang pumunta sa burol ni Chokoleit ay si John Lapus. Dinobol-check ni John ang damit na susuutin hanggang sa make-up na gagamitin. Ang damit ay mula kay Bing Cristobal at ang make-up artist ay si Mickey See.

Imbes na nalungkot ay natawa pa si Sweet dahil dumikit ang mukha ni Chokoleit sa salamin. May malaking foam kasi sa hinihigaan sa labi ni Chokoleit kaya medyo tumaas ng bahagya. Kahit na nasa kabilang buhay na si Chokoleit ay nagpapatawa pa rin.

Ang matalik na kaibigan at katrabaho na si Vice Ganda ay dumalaw din sa burol. Kinuwento niya kung gaano kasaya ni Chokoleit kapag may magandang nangyayari sa career niya. Isa sa mga supporters ni Vice Ganda si Chokoleit from the very start. Inamin niya na masakit tanggapin ang pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan.

Maliban kay John Lapus, Pokwang, at Vice Ganda; Teri Onor, K Brosas, Lassy, Pooh, Ryan Bang, Shaina Magdayao, Ryza Cenon, Agot Isidro, Ara Mina, Ogie Diaz, Atak, at marami pang iba.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s