Teri Onor, napaluha ng maalala ang kaibigan na si Chokoleit

throy photo name

PARANG kailan lang ay tumatawa tayo sa bawat joke ni Chokoleit. Ngayon ay nagluluksa ang mga fans lalo na ang mga malalapit na tao sa buhay ni Chokoleit.

Sa unang araw pa lang ng burol ni Chokoleit ay marami nang dumaksang celebrities katulad nina Vice Ganda, Ryan Bang, Pokwang, John Lapus, Shaina Magdayao, Ryza Cenon, Agot Isidro, Ara Mina, at marami pang iba.

Nakausap namin ang isa sa mga nakatrabaho at kaibigan ni Chokoleit sa showbiz na si Teri Onor. Nakausap namin siya kahapon, March 13, after ng story conference ng bago niyang pelikulang Intercedente na pinagbibidahan ni Alessandra de Rossi.

According kay Teri, si Chokoleit ay masayahin at professional na tao. Natural ang mga nasabing katangian sa isang komedyante. “Professionalism, likas iyan sa mga komedyante. Kahit anong nararamdamang sakit sa puso o may problema, kapag nasa entablado ka kailangan mong mapatawa ang mga tao. The show must go on.” Sabi ni Teri.

Mag-isang nagpapatawa si Chokoleit sa harap ng daan-daang tao sa Abra bago muna siya pumanaw. Madali raw maiiwasan sana ang pang yayari na ito kung may kasama siya sa stage “Iyung nakita ko si Chokoleit [sa video], sabi ko kung may kasama lang siya kabatuan [sa stage], puwede siya bumaba. Kapag may katandem ka [puwede ka mag-excuse].” Dugtong ni Teri.

Pinipigilan ang kanyang luha nang tinanung siya kung ano ang mensahe niya kay Chokoleit, “Bakla. Puwede ka naman kasi tumigil… Sayang kasi.” Sabi niya.

Ano kaya magandang aral ang natutunan natin tungkol sa pangyayari? “Lagi kong sinasabi sa mga kasamahan sa sing-along, hindi ka porket nag-stop ka nang mag-smoke,  porket nag-stop ka na sa pag-inom ng alak, hindi porket nagji-gym ka healthy ka. Kailangan pa rin ang [medical] check-up.” Deklara ni Teri.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s