Hanie Jarrar, evicted na sa Bahay ni Kuya

throy photo name

Hanie Jarrar

EVICTED na Ang Athletic Cutie ng Isabela na si Hanie Jarrar. Inanunsyo ang kanyang pag-alis sa bahay ni kuya kagabi, Marso 17. Nakakuha lang siya ng 5.09 percent na boto mula sa viewers.

Sa interview niya sa online show na Bring 8 On, halu-halo raw ang kanyang nararamdaman na emosyon at that moment, “Sobrang mix po iyung emotions ko at a moment po. Siyempre I’m a little sad. I’m a little disappointed na I’m not a housemate anymore, pero ang dami-dami ko nang natutunan po sa camp at sa house… So, I’m really really happy.” Sabi ni Hanie

Sino kaya ang inspirasyon niya nung nasaloob siya sa Bahay ni Kuya? “Iyung taong tumatakbo talaga sa isipan ko the whole time was my mom. Why my mom? Kasi po, her life was not easy. She had such a hard time being a Filipina in a foreign country. Just all the stereotypes that people think about. All these sensitive subjects. Ayaw ko sabihin ang lahat, pero I know what she’s been through…She went through all of that just for me. So, as my time as a star dreamer, as a housemate; I just want to make sure na all the hardships I’ve been through during then is for her as well. To make her proud.” Sambit ni Hanie.

Marami naman naging close si Hanie, pero ang tumatak talaga sa isipan niya ay si Kim. Napaiyak si Hanie dahil hindi man niya nakausap ng masinsinan si Kim bago umalis sa Bahay ni Kuya. “Iyung final moments ko sa bahay, I never really said everything I wanted to say kasi I know there was a possibility na ako na ang ma-evict, pero he didn’t think so. At he was like ‘Oh, mamaya after the eviction, we talk more’, and I never really got to say what I had on my mind going on during that time… I just wish we had a better good bye.” Iyak ni Hanie.

Panoorin ang Pinoy Big Brother Otso sa hapon pagkatapos ng Los Bastardos, weeknights pagktapos ng Halik, Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, at sa Linggo pagkatapos ng Rated K.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s