Piolo Pascual, ayaw nang gumawa ng teleserye

throy photo name

MAHIGIT dalawang dekada na sa showbiz si Piolo Pascual pero aktibo pa rin. Katulad ng mga ibang artistang kasabayan niya tulad nina Jericho Rosales at Judy Ann Santos, marami pa rin silang natatanggap na mga projects. Ngunit inamin ni Piolo na ayaw na niyang gumawa pa ng teleserye.

Ayun kay Piolo, halos buong buhay niya bilang isang artista ay puro teleserye na lang ang mga nanagawa niya. Gusto niya na maiba ang mga ginagawa imbes na maghintay na lang sa set habang hinihintay ang kanyang scene. Mas gusto pa niya ibigay na lang ang mga role niya sa ibang artistang may k naman sa pag-arte.

Sa ngayon ay busy si Piolo bilang isang producer. Siya kasi ang founder ng Spring Films. Kilala ang Spring Films sa pagpo-produce ng mga blockbuster independent movies katulad ng Kimi Dora series, at Kita Kita.

Umaarte pa rin si Piolo pero pili na lang ang mga ginagawa niyang projects. Ngayong taon ay may movie project siya with award-winning directors na sina Lav Diaz at Brillante Mendoza.

Confirm na rin na magkakaroon siya ng reunion film. Tinanggi naman na si Judy Ann ang makakasama niya sa nasabing reunion film, pero kung may chance go naman siya. So, ibig sabihin ba nito ay makakatambal niya muli si Claudine Barretto o si Angel Locsin? Abangan natin iyan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s