Miss Universe International 2018 Faye Tangonan, sasabak na rin ba sa showbiz?

throy photo name

SUNUD-SUNOD ang mga projects ng Miss Universe International 2018 na si Faye Tangonan. Kahit na busy sa humanitarian projects niya para sa mga less fortunate children in US and the Philippines, todo pa rin siya sa mga TV appearances, and movie projects.

Kamakailan lang ay binigyan si Faye ng parangal mula sa Philippine Empowered Men and Women of the Year 2019 na ginanap nung Marso 13 sa Music Museum. May guest appearance din siya sa Kapamilya variety show na It’s Showtime.

Inanunsyo din niya na sa kanyang social media na parte siya ng isang advocacy film na may titulong Bakit Nasa Huli Ang Simula kasama sina William Martinez, Gladys Reyes, Lance Raymundo, Jay-R Ramos, Lester Paul Recirdo, Maverick Garcia, at Noa Hyun. Ang direktor ng nasabing pelikula ay si Romm Burlat. According kay Faye, ang story ay tungkol sa human trafficking.

May halong saya at kaba dahil first movie ito ni Faye lalo na siya mismo ang lead female actress. Hindi pa niya sure kung ipagpapatuloy pa ni Faye ang pagiging artista niya after ng advocacy film.

Speaking of actress, marami rin siyang hinahangaang female actress katulad nina Sharon Cuneta, Nora Aunor, at Vilma Santos. Hinahangaan din niya ang Kapamilya actor na si Coco Martin lalo na favorite ng kanyang ama na panoorin Ang Probinsyano.

For more information about Faye Tangonan, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s