BB Gandanghari, sinugod sa ospital pagkatapos siyang binully ng kanyang katrabaho

throy photo name

Naospital ang transgender actress na si BB Gandanghari. Kahapon, March 22, pinost sa social media ang letrato ng kanyang kamay na may hospital wrist tag.

Ayon sa post, naospital si BB related sa sunud-sunod daw na pagbu-bully ng mga tao sa kanya sa tinatrabahuan niya. “Say NO to workplace BULLYING…. What would you do when you’re transgender and your personal and professional boundaries are being violated and attacked in a work environment who claims to be a SAFE ZONE for people like me? 🆘” Sabi ni BB sa post.

Hindi pa malinaw kung ano ang buong dahilan kung bakit siya sinugod sa urgent care facility. Posibleng dahilan ay ang severe anxiety attack niya na nagdulot sa pagtaas ng kanyang blood pressure. “My body’s a train wreck that I was advised by my doctor to pause from work as I deal with this extreme emotional distress and severe anxiety attack that’s causing my blood pressure to shoot up. So help me God. 🙏” Dugtong ni BB.

Despite all this, marami ang nag-comment sa kanyang post ang nagdarasal na mapabuti ang kanyang kalagayan. “I will be praying for your safety as always and peace of mind….. I am fan here…..” Comment ni @brunelliejr.

Ang iba naman ay nag-suggest na kasuhan ng discrimination ang mga nag-bully sa kanya. “U sue for discrimination and make a sh*tload of money” Suggestion naman ni @kristitots.

Naka-base ngayon sa Los Angeles si BB Gandanghari para i-pursue ang kanyang acting career sa America. September 2017, nag-sign siya ng kontrata bilang talent ng isang talent agency na The Brogan Agency.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s