Siakol vocalist Noel Palomo, ‘joke joke lang’ daw ang away ng kaniyang bassist

throy photo name

NAGKAGULO sa isang bar sa Davao nang mag-away ang bokalista ng Siakol na si Noel Palomo, at ang kanyang bahista na si Wowie Flores.

Nanyari ang kaguluhan sa stage ng Club Velvet sa Davao habang nagpe-perform ang banda ng kanilang kanta. Bigla na lang nagalit si Noel at dinuro si Wowie. Ang bahista naman ay tinanggal ang kanyang bass guitar at binigay sa katabi para sugurin si Noel.

Buti na lang ay maraming security guard at ilan sa mga manonood ang umawat sa dalawa.

Marami ang nagkomento sa social media kung bakit nag-away ang dalawa. May nagsabi na nainis ang ilan sa mga kamiyembro dahil late na sila nag-start. Ang iba naman ay baka may malalim silang pinag-awayan bago pa ang gig nila sa Davao.

Nag-post ng video sa social media si Noel at in-explain niya tungkol sa nangyari. According to his post, kasama raw sa performance nila ang away.  “Ang inyo pong nasaksihan kanina ay pawang kathang isip lang po. Sobrang dami lang po talaga natin kaya sobrang init kaya medyo nagkainitan lang at kasama po sa show yon at joke joke lang po.

“Pasensya na po sa iba, ganun lang po minsan kasi rak en rol po tayo kaya minsan may ganyang mga eksena.Mahalaga po tinapos natin ang show ng masaya at may mga ngiti sa labi. Hanggang sa muli at sa uulitin po. Peace! ✌🏼” Sabi sa post ni

Sa video ay mukhang okay naman ang mga kabanda niya at maraming fans ang nakipagrakrakan sa kanila.

Natuloy naman ang gig ng Siakol sa Macabebe, Pampanga; pero base sa mga recent photos na naka-post sa Facebook ni Noel, hindi na makita si Wowie.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s