Vance Larena, masaya sa mataas na rating ng kanyang MMK episode


throy photo name

MASAYANG ibinalita ng Kapamilya aktor na si Vance Larena ang mataas na rating natanggap ng last episode ng Maalaala Mo Kaya na “Chessboard“. Sa nasabing episode na pinalabas last Saturday, Marso 23 gumanap si Vance bilang topnotcher ng Alternative Learning System or ALS.

Pinost sa Facebook page ni Vance ang nakuhang rating ng MMK na umabot sa 27.5% habang ang Magpakailanman ng Kapuso channel ay umabot sa 17.5%. Ang episode ng Magpakailanman ay hango sa buhay ng online sensation na si Dante Gulapa.

Kahit na mas sikat ang buhay ni Dante Gulapa ay hindi pa ring pumantay sa rating ng MMK.

Sa caption ng FB post ni Vance, nagpapasalamat siya sa mga taong tumutok at humanga sa kanyang pagganap. “TAGUMPAY TAYO!!!‬

“‪Nawa’y na-inspire namin kayo noong nakaraang Sabado, mga kapamilya! Maraming salamat po! #MMKDiplomaSaSelda #MMK2019 #KapamilyaShareNa#RSBDramaUnit‬”

‪Sa mga hindi pa nakakapanood, mapanood pa rin ang episode na “Chessboard” sa iWant.

Ngayong Lunes ng umaga, pinalabas ang unang TV series ni Vance na Nang Ngumiti Ang Langit, at ang kapareha niya rito si Michelle Vito.

Para sa dagdag na impormasyon tungkol kay Vance Larena, bisitahin ang kanyang Facebookat Instagram account.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s