Ogie Diaz talks about the withdrawal of Liza Soberano from ‘Darna’

pilar mateo sni THE “P” TALKS!

BY: Pilar Mateo

THE manager shared his “alaga’s” woes in giving up the character apart from donning the Darna costume.

Ogie Diaz’ share.

“Bakit?”
“Ano’ng nangyari?”
“Ayaw na niya?”
“Sino na’ng kapalit?”
“Sayang naman ‘yung Darna.”

“‘Yan yung madalas kong ma-encounter na tanong matapos magsalita ni Liza Soberano kay MJ Felipe sa “TV Patrol” kahapon na she’s withdrawing from doing “Darna.”

“Ako bilang co-manager kay Liza, nalulungkot ako. Kasi, bongga sana ‘yung “Darna.” Magiging bahagi sana ng history ng career ng aking alaga ang “Darna” na halos lahat ng aktres, gustong gawin ‘yan.

“Ilan na ‘yung artistang nag-audition para diyan, pero si Liza ang nakakuha ng role. Nu’ng una’y hindi pa nagsi-sink in sa kanya na siya na ang modern-day Darna, hanggang sa yakapin na niya ang naturang superhero character.

“Pinaghandaan ‘yan ni Liza. Pati mga gym workouts niya, ‘yung fight scenes training niya, ‘yung routines niya, lahat ‘yon, naka-sched araw-araw.

“Pero dahil sa nangyaring aksidente sa “Bagani” last year kung saan napuruhan ang isa niyang daliri, ‘yung totoo, ‘yung Darna agad ang naisip namin ni Liza.

“Di naman nagpabaya ang ABS-CBN sa lahat ng pangangailangan ni Liza. Ilang specialista na din ang humawak ng kanyang finger injury, pero hanggang ngayon naman, hindi pa din kami nawawalan ng pag-asang maibabalik kahit paano sa normal ang lahat.

“Isang araw, tumawag sa akin si Liza. Mag-meeting daw kami. Ayaw niyang sabihin kumbakit. Kaya kinita ko na lang siya. At doon ay ipinakita muna niya ang kanyang daliri na halos kalahating taon yatang therapy at surgery ang pinagdaanan.

“Umiiyak siya. Sabi ko, baket? Nahihiya daw siya sa akin at sa Star Magic at sa upper management na baka hindi na niya kayanin pang gawin ang Darna, dahil matatagalan pa nga ang complete healing ng kanyang daliri.

“Magagalit ka ba, Tito Ogie, kung hindi ko na gagawin ‘yung ‘Darna’? Magagalit kaya sa akin sina Mr. M at Ms. Mariole (ng Star Magic)? Baka hindi na ako bigyan ng trabaho ng ABS-CBN kung hindi ko gagawin ang Darna. Paano na ‘yung family ko?”

“Sabi ko talaga kay Liza, “Naisip mo pa talaga ‘yan, nak? At least, nak, iniisip mo pa rin ang iisipin ng ibang tao at ‘yung magiging consequence ng ginawa mo. Ibig sabihin, nagwo-worry ka para sa kanila. Hindi ka selfish. Maganda ‘yang ganyang attitude mo.

“Pero sa totoo lang, if you don’t feel like doing Darna anymore, it’s okay with me. Kahit gusto pa ng lahat ng tao sa paligid mo na maging Darna ka, kung feeling mo, may kulang, kung half-hearted ka because of what happened, baka mas maganda ngang huwag mo nang ituloy. Ako ang mag-e-explain muna sa kanila, then let’s set a meeting with the bosses.

ogie-diaz

“Alam mo, nak…lagi mong tatandaan, everything happens for a reason. Pupuwedeng hindi ka nga nadisgrasya, at itinuloy mo nga ang Darna, and while shooting Darna, du’n ka naman naaksidente nang malala o baka ikinamatay mo pa during stunts or ‘yung naka-harness ka. Ang ginawa lang ng Diyos, sa daliri ka lang niya pinadaplisan.”

“Tulo pa rin nang tulo ang luha ni Liza.

“Alam mo, nak… nu’ng nawalan ako ng show sa ABS-CBN nu’ng year 2000, wala akong choice, kundi humanap na muna ng ibang work, dahil ako ang breadwinner sa amin, eh.

“Pumasok akong stand-up comedian sa comedy bar. Ang bayad sa akin noon, P2,500 to P3,000 sa bawat gabi na sasampa ako. Pero kahit hindi ako masyadong nakakatawa, merong isang customer doon na konting tsika ko lang sa stage, siya yung tumataginting ‘yung halakhak. Bawat gabing magpe-perform ako, andu’n lagi siya, siya ‘yung tawa nang tawa kahit hindi naman natatawa ‘yung iba sa akin. Alam mo ba, ngayon? Lima na ang anak namin.”

“Nagulat si Liza. Hindi makapaniwala.

“Sa palagay mo, anak, kung hindi ako nawalan ng show noon sa ABS, mami-meet ko siya? Hindi. Kasi kung may show ako noon, baka hindi rin ako pumasok bilang stand-up comedian.

“Ibig kong sabihin, pag may nawawala, may dumarating. Kapag hindi ukol, hindi bubukol. Kapag para sa ‘yo, para sa ‘yo. At maniwala ka, marami pang darating na opportunity sa ‘yo. Kasi, talented ka, mahusay kang umarte, mabait ka at mabuti kang tao, kaya hindi ka pababayaan ni Lord.”

True enough! According to news Liza and her boyfriend Enrique Gil will have their own teleserye very soon!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s