Chin-Chin Gutierrez, isang ganap na madre?

throy photo name

KAHIT na nung two weeks ago pa pinost sa Facebook, ngayon lang naging viral ang post tungkol sa aktres na si Chin-Chin Gutierrez kung saan sinabi na isa na siyang madre.

Ang viral post ay galing sa Facebook user na si Vicksay M. Josol. Sa post, nakalagay ang letrato ni Chin-Chin na may suot na necklace na may krus. May caption that reads: “GOD really works in ways we could hardly fathom! Congratulations for answering the call to Vocation SR. LOURDES. PRAYERS FOR YOU..” Ang totoong pangalan ni Chin Chin ay Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez.

Sa parehong post, sinabi na isa na siyang “full-fledged consecrated sister/nun of the Carmelite Convent”.

Wala pang confirmation mula kay Chin-Chin kung totoo nga ba ang nasabing balita. Wala namang nakalagay na information tungkol sa pagmamadre niya mula sa kanyang official Facebook page.

Unang nakilala sa mundo ng pagmomodelo si Chin-Chin noong 16 years old pa siya. Hindi nagtagal ay pumasok siya sa showbiz bilang artista. Kilala siya sa role na Maria Clara sa TV show na Noli Me Tangere. Isa sa mga bigating pelikula na naging part siya noon ay ang Maala-ala Mo Kaya: The Movie at Jose Rizal.

Ngayon ay isa siyang kilalang environmentalist, resource speaker, at lecturer ng Environmental Education. Isa rin siya sa mga celebrities na open sa kanilang relihiyon ang kanilang pananampalataya sa Maykapal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s