Julia Barretto, gusto mag-audition para sa Darna role

throy photo name

GAME na game si Julia Barretto kung magkakaroon ng audition para sa role ng Pinay superhero na si Darna.

Last Tuesday, April 16, pinost ni Reyma Buan Deveza sa kanyang Instagram account ang isang video clip kung saan ini-interview sina Gerald Anderson at Julia Barretto tungkol sa upcoming film nila na Between Maybes.

Sa interview, hindi maiwasang itanong kung gusto ba ni Julia na gumanap bilang Darna. “I’ll do it.” Sagot ni Julia.

Pati ang kanyang co-actor na si Gerald ay bet din maging susunod na Darna si Julia. “Ako vote ako diyan. May voting ba?” Sabay tawa ni Gerald.

Game mag-audition si Julia kahit naka-two-piece lang, “If there will be auditions, I will go to that audition in panty and bra and just do the thing,” Explain ni Julia.

Nagpapasalamat naman si Julia dahil isa siya sa mga top picks para gumanap bilang Darna “Thank you so much for even thinking about me. I mean, It’s a huge thing. Thank you.” Sabi ni Julia. Isa rin sa top pick ay sina kasama sina Angel Locsin, Nadine Lustre at Maja Salvador.

May ibubuga naman si Julia pagdating sa action scenes. Last month, inanunsyo ang kanyang upcoming horror-action movie na Block Z kasama ang kanyang boyfriend na si Joshua Garcia, at sa direksyon ng Birdshot at Eerie director na si Mikhail Red.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s