Kisses Delavin, dine-activate ang kanyang social media account

throy photo name

HINDI na mahanap sa social media ang official account ni Kisses Delavin. Pero huwag mag-alala, temporary lang naman ito.

Hindi naman seryoso ang dahilan kung bakit dine-activate ni Kisses ang kanyang Instagram account. Layo muna sa social media si Kisses para sa paghahanda niya sa kanyang upcoming sold-out concert na A Life Full of Kisses.

Ayaw siguro ni Kisses na may distraction lalo na maraming fans ang gustong manood ng kanyang concert. Siguro gusto niya na maging perfect ang kanyang mga performance para sa kanyang fans. Sabi nga niya sa huling post niya sa Instagram: “Alam niyo po, araw-araw na po kami nagre-rehearse at talagang ibinibigay ko po ang aking lahat para sa inyo. You all deserve only the best from me.”

Ang nasabing concert ay gaganapin sa The Music Museum on April 25th, Thursday. Makakasama niya sina Marlo Mortel, AC Bonifacio, at ang Six Part Invention.

Hindi lang ito ang unang beses na umiwas sa social media si Kisses. Last holiday season, nag-lie-low si Kisses dahil sobrang busy siya at that time lalo na gusto niya mag-spend ng holiday kasama ang kanyang pamilya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s