Claudine Barretto at Piolo Pascual, magsasama ulit sa bago nilang movie

throy photo name

Matagal na natin hindi nakita ang Optimum Star Claudine Barretto. Huli na natin siyang nakita sa pelikulang Etiquette for Mistresses noong 2015. Ngayon, babalik sa big screen si Claudine para sa kanyang reunion film.

Inanunsyo ni Claudine Barretto sa Kapamilya talk show na Tonight with Boy Abunda ang bago niyang pelikula with Piolo Pascual. Ishoo-shoot sa Florence, Italy ang nasabing reunion film.

Matatandaan natin, noong 2004, nagtambal sa pelikulang Milan sina Piolo at Claudine. Hindi pa tukoy kung sequel ba ito sa dati nilang pelikulang Milan na mismo sa Milan, Italy pa shinoot ang mga eksena. 

milan restore poster

Bago pa niya ni-reveal ang bagong movie with Papa P, inamin din niya na gusto niyang makasama sa pelikula si Judy Ann Santos. According to Claudine, matagal na raw sila nag-usap ni Judy Ann pero wala talagang magandang project para sa kanila. Let’s hope na mangyari ito.

Maliban sa pagbalik sa big screen, magbabalik na rin sa telebisyon si Claudine. Mapapanood siya sa Kapamilya show na Maalaala Mo Kaya sa April 27, bukas, kasama si Jameson Blake.

judy ann santos

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s