Lance Raymundo, sasabak sa pagkanta sa benefit show na “Dibdiban na ’To” sa Historia Bar sa May 5

throy photo name

MASAYA kami nang nakasama namin ang aktor-singer na si Lance Raymundo sa online show namin na Showbiz News Intrigues na pinalabas sa Solid Rock Entertainment Production Facebook page kagabi, Mayo 3.

Game na game na sinagot ni Lance ang aming mga katanungan tungkol sa kanyang buhay at career sa showbiz.

Shinare niya na nagpahinga muna pansamantala si Lance Raymundo after ang kanyang play na “Martir sa Golgota” kung saan gumanap siya bilang si Hesu Kristo. Dahil dito, marami siyang pinahanga sa nasabing role.

Few days later, balik sa pagkanta at hosting si Lance. Kamakailan lang nag-host si Lance kasama si Rikki Mathay sa katatapos lang na FAMAS 2019.

Ibinahagi niya na ire-release niya ang kanyang third single na “Sana” under Viva Records. Tungkol sa break-up ang nasabing kanta, at magiging available ito online sa June.

Sa ngayon ay puwede niyong mapakinggan ang kanyang mga kanta na pinamagatang “You Are The One #YATO” at “Spoken Words” sa Spotify, Deezer, at iba pang digital music platform.

Abangan si Lance Raymundo sa kanyang upcoming benefit show with TEAM (The Entertainment Arts & Media) na pinamagatang Dibdiban na ’To: A Benefit Show for Breast Cancer Patients. Beneficiary dito ang Philippine Foundation for Breast Care, Inc. at gaganapin ito sa Historia Bar sa May 5, 2019, Sunday, 8 PM.

Maliban kay Marlo, kasama din niya sina Marion Aunor, Marlon Mortel, Faye Tangonan, Lester Paul, Pauline Cueto, Janah Zaplan, John Rendez, Kiel Alo, Dante Salamat, at Erika Mae Salas. Hosted by Backslash of Eat Bulaga Janel Alonzo and Ms. Q&A finalist ng It’s Showtime Dionisia Clara Dela Fuente. Ang nasabing concert ay directed by Throy Catan.

Ang tickets ay P600 for general audience at naman ay P1000 for VIP/Sponsor. For inquiry, please call or text 454 3458/ 0915 8507388 /0908 2347688.

Salamat sa sponsors: Dr. Ramon Ramos of La Salette Medical and Diagnostic Center, Dia Lumina, PR Diamond Point Realty, Mr. and Mrs. Boyet & Dencie Zaplan, BG Productions of Ms. Baby Go, Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), Beauty Zone Facial and Spa, Mesa Restaurant, Morato QC, Above Aesthetics, Frontrow, SNI, TJC, Throycath travel and Tours Agency, Dental First Inc, People’s Balita Showbiz and Showbiz News Intrigues talk Show.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s