Erika Mae Salas, ratsada ang mga proyekto

throy photo name

BONGGA ang buwan ng Mayo para kay Erika Mae Salas. Sunud-sunod ang mga guestings at projects ang natatanggap ng recording artist na ito.

Last Sunday, May 5, marami ang napabilib na audience nang napanood si Erika mag-perform live sa Historia Bar para sa benefit concert na “Dibdiban na ’To: A Benefit Show for Breast Cancer Patients.

Una niyang kinanta ang “Kiss Me, Kiss Me” na pinasikat ni Sarah Geronimo. Kakaibang rendition naman ang ginawa ni Erika sa kantang “Buwan.” Lastly, kinanta niya ang sikat na Broadway song na “I Dreamed a Dream” galing sa musical na Les Miserables.

After ng kanyang successful na performance sa Historia, nag-guest naman siya sa radio show ni Jobert Sucaldito kung saan kinanta niya ulit ang “Buwan”.

Next week, May 18, muli siyang panoorin live sa “Battle of the Voices.” Makakasama niya sina Hugot King Kiel Alo, recording artist JR Estudillo, singer-composer Lester Paul, Voice Kids finalist Kyle Mallari, singer Nash Tillah, Child Song Bird International winner Jennelyn Gagajena, recording artist Rayantha Leigh, reigning Miss Universe International Faye Tangonan, actress Ara Altamira, and Tawag ng Tanghalan finalist Alliyah Candeliña.

Gaganapin ang nasabing event sa 33 Degree Bistro sa Borromeo St., South Triangle, Quezon City.

Samantala, guest siya sa mall tour ni Nick Vera Perez na iikot sa buong Pilipinas.

Si Erika Mae Salas ay recording artist, model, and actress. Kamakailan lang ay ni-release ang kanyang bagong single na pinamagatang “Ako Nga Ba”. Ang nasabing single ay galing sa soundtrack album na “Spoken Words” under Viva Records.

Para sa dagdag na detalye tungkol kay Erika, bisitahin ang kanyang Facebook page.

battle of the voices poster

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s