Dimples Romana at anak na si Onzo magbabahagi ng easy healthy recipes via “Dimps’ Kitchen”

throy photo name

NI: Throy Catan

Dimples Romana show (1)

Gawing fun at healthy ang bonding ngayong paparating na Mother’s Day dahil magbabahagi ang Kapamilya actress-host na si Dimples Romana at kaniyang anak na si Onzo ng masasarap at healthy na lutuin sa TFC Digital Shorts na “Dimps’ Kitchen”, na mapapanood sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC Online simula May 12.

Katulad ng ibang mga nanay, marami rin pinagkakaabalahan si Dimples tulad ng kaniyang mga shows na “Kadenang Ginto” at “Kabuhayang Swak na Swak”, at ang kalalabas lang niyang libro na “Dimps Tips”. Kaya naman tuwing mayroong pagkakataon ay ginagawa nila ng kaniyang mga anak ang paborito nilang bonding, ang pagluluto, na kaniyang ibabahagi kasama ang anak na si Onzo sa “Dimps’ Kitchen”.

Ani Dimples, “I’m so excited about Dimps’ Kitchen because I’m in my element. Nandito ako sa lugar na pinakagusto ko ‘yong ginagawa ko, ‘yong pinakamasarap gawin para sa pamilya. I love cooking and I love my children, and this is a mix of both of the things that I love to do.”

Dimples Romana show (2)

Para sa unang episode ng show, ibabahagi nina Dimples at Onzo ang kanilang Mac n Cheese recipe, na mayroong twist dahil sa surprise ingredient na pinili ni Onzo na mapasama sa recipe, na inyong madidiskubre sa May 12.

Kaya naman ayain na ang mga anak na sabay na matuto ng madali, healthy, at nakakabusog na recipes via “Dimps’ Kitchen” para sa inyong susunod na bonding session. Mapapanood ang “Dimps’ Kitchen” sa karamihan ng mga bansa sa mundo via TFC Online simula May 12. Ang mga episodes ng “Dimps’ Kitchen” ay FREE para sa lahat ng registered users.

Para sa updates tungkol sa show, bisitahin ang TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan. Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas at i-follow ang @KapamilyaTFC at KapamilyaGlobalPR sa Twitter at Instagram.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s