PANOORIN: Ryan Tamondong at Ianna dela Torre, nag-duet sa birthday concert ni Loisa Andalio

throy photo name

PROUD na proud na shinare ng composer-singer na si Joel Mendoza ang video ng kanyang talents na sina Ryan Tamondong at Ianna dela Torre kung saan nag-duet sa birthday concert ni Loisa Andalio. Ang nasabing concert ay nangyari sa Music Museum nung May 10, last Friday.

Sa video, kinanta nina Ryan at Inna — na parehong Star Music recording artist — ang kantang “Patuloy Ang Pangarap” na pinasikat ni Angeline Quinto. Marami ang nag-cheer na audience dahil sa kanilang todo-bigay na performance.

Sa caption, bumati muna ng Happy Mother’s Day si Joel ay dinedicate niya ang post ito sa mga mahal nating ina. Pagkatapos ay nagpasalamat sa mga sumuporta sa concert at lalo na kay Loisa Andalio.

“Happy Mother’s Day to all of you ! Sa inyo pong mga INA na patuloy na sumusuporta sa aming mga “ Pangarap “ para po sa inyong Lahat ito .

“Inawit ni Ianna at Ryan sa #samahannyoakoloisa #loisaconcert “PATULOY ANG PANGARAP “na isinulat ng nag-iisang Jonathan Manalo !

“Salamat po sa mga sumuporta Kay #Loisa #samahannyoakoloisa at sa Amin lalong lalo na Kay Bro. Dindo Fernandez , Fe Agustin Calucag , Dr. Ferdie David Kosmed Lacson, Lee Li , Irene Cuadra , to the Rockwell Dancers , to our H&M Connie de Leon and of course to our Road Manager , Prince Dungca Aguilar !!! To Direk Alex , Star Music PH Star Events PH and to All !!Salamat po Panginoon…🙏🙏🙏❤️❤️❤️❤️” Sabi ni Joel sa caption.

Nung April 2018, naging recording artist si Ryan Tamondong sa Star Magic. Nung September 2018 naman ay ni-release ang kanyang self-titled album kasama ang kanyang single na Haay Pag-ibig na kinompose ni Joel Mendoza. Isa sa mga biggest achievement niya ay maging  kaunaunahang Pilipino na nanalo sa Europop 2015 singing contest na ginanap pa sa Berlin, Germany.

Samantala, Si Ianna dela Torre ay nanalo bilang Grand Champion Vocalist (Junior Division) sa prestihyosong World Championship of Performing Arts nung 2013. Kamakailan lang ay ni-release na ang kanyang latest single na “Pinapa” under Star Music. Ire-release naman sa June 19 ang latest album ni Ianna Dela Torre na may pamagat na “Ianna“.

Ngayong Linggo, May 12, mapapanood niyo sina Ryan at Ianna sa SM Masinag at 4 PM at sa SM San Mateo at 6 PM.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s