Ang concert show na “Battle of the Voices”, patok sa mga audience

throy photo name

NAGPAKITANG-GILAS ang mga mahuhusay na 13 performers sa event na “Battle of the Voices.” Ang nasabing event ay ginanap kagabi, Mayo 18, sa 33 Degrees Bar sa Scout Borromeo St., South Triangle, Quezon City.

Napuno ang buong venue at lahat ng audience ay nagpalakpakan dahil sa galing ng pagkanta ng mga guest performer.

Bago muna mag-umpisa ang programa, marami ang naaliw sa mga hirit na jokes ng mga host na sina Vhize Negra, Piong at MJ.

Ang unang performer ay ang all-girl dance group na Restless. Todo hataw ang kanilang sayaw habang tinutugtog ang kantang Cartier na pinasikat ng Dutch hiphop artist na si Dopebwoy.

battle of the voices poster

Ang unang performer na kakanta ay si Lester Paul. Unang kinanta ang Perfect ni Ed Sheeran, sumunod ang kanyang single na PaKo (Pangarap Ko), at last naman ang Truth ng bandang Bamboo.

Hindi naman nagpatalo ang reigning Miss Universe International na si Faye Tangonan pagdating sa kantahan. Kinanta niya ang kantang Never Enough na sumikat sa pelikulang The Greatest Showman.

Sing and dance naman ang pinamalas ni Maricar Aragon habang kinakanta ang mga sikat na kanta nina Madonna at Lady Gaga. Last song naman niya ay ang Gintong Pag-ibig.

Sumunod na nagtanghal ay si Rayantha Leigh at kinanta ang Kiss and Make Up nina Dua Lipa at K-Pop girl group na BlackPink. After nito, inawit niya ang kanyang latest single na Puro Papogi.

Pa-sweet naman ang style ng pagkanta ng aktres na si Ara Altamira sa kantang Kahit Maputi na ang Buhok Ko at Say You’ll Never Go.

Ang old-at-heart na young balladeer na si Nash Tillah ay buong pusong kinanta ang Fly Me to the Moon at Bakit Ba Ikaw.

Ang Usapang Lodi host na si JR Estudillo ay inawit ang Location na pinasikat ni Khalid, Tadhana ng bandang Up Dharma Down, at ang kanyang sariling rendition ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko.

Todo birit naman si Jennelyn Gagajena sa kanyang kantang Ngayon at Kailanman, Ikaw Lang ang Mamahalin, at Blue Bayou.

Walang kupas naman ang ganda ng boses ng former The Voice Kids semifinalist na si Kyle Philippe habang inaawit ang One Last Cry at Pauwi Na Ko.

Nag-OPM medley naman si Erika Mae Salas. Pagkatapos nito ay kinanta niya ang kanyang sariling version ng Buwan. Inawit din niya ang kanyang latest single na Ako Nga Ba.

Hindi nagpaawat pagdating sa biritan si Alliyah Candeliña. Inawit ang kantang Rise Up at ang Pangarap Ko’y Ibigin Ka.

Last performer naman ang Hugot King na si Kiel Alo at inawit ang You Are the Reason na pinasikat ni Calum Scott.

Ang “Battle of the Voices” ay hinahandog ng TJC Entertainment Productions at sa direksyon ni Throy Catan.

Nagpapasalamat naman ang TJC Entertainment Productions sa mga sponsors: Above AestheticsFrontrowDental FirstThroycath Travel and Tours AgencyBakes & BrewsSnap Fitness, VanidermRIJ Events and Talents Management, at 33 Degrees Bistro.

Special thanks sa mga media partner: Showbiz News Intrigues and Peoples Balita Showbiz.

Abangan ang nalalapit na salpukan ng mga kontesero soon sa Battle of the Voices na gaganapin sa mga mall nationwide. For more details, paka-abangan lamang ‘yan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s