Alliyah Cadeliña, pinaghahandaan na ang semifinals ng Tawag ng Tanghalan

throy photo name

NAGPALAKPAKAN ang lahat ng tao nung nag-perform ang Tawag ng Tanghalan semi-finalist na si Alliyah Cadeliña para sa show na Battle of the Voices na ginanap sa 33 Degrees Bar last Saturday, Mayo 18.

After ng show, nakausap namin si Alliya at tinanong tungkol sa paghahanda niya sa nalalapit na semifinals ng TNT.

“Nagli-list down ako ng maraming songs na puwedeng pagpilian na panlaban ko sa semifinals at siyempre pina-practice ko ang nga iyun. And, mine-maintain ko po iyung lalamunan ko… Hindi ko po siya pinapabayaan at tsaka bawal ang sweets.” Sabay tawa ni Alliyah.

 

 

 

 

Sino kaya ang mabibigat na makakalaban ni Alliyah?

“Sa ngayon, sa semi-finals, dalawa pa lang po kami nakukuha so far. If ever man makakapasok po ako ng grand finals siyempre si Ate Elaine kasi gagaling niya. Idol ko siya.” Ang tinutukoy niya ay ang grand finalist na si Elaine Duran.

Inamin niya na nag-aaral ngayon ng bagong genre ng kanta si Alliyah at ito ang dapat nating abangan. Anya: “During my battles po sa Tawag ng Tanghalan, ang mga pinakita ko pong genre ay pop at ballad. So far, ngayon, nag-aaral po ako ng different genres din kasi para mai-showcase ko po iyung pagiging-versatile ko at mas ilalabas ko pa po ang skills ko sa control ng voice…”

 

Any advice sa mga inspiring kontisero na gustong sumali sa mga talent contest?

“Siyempre ako hindi naman po ako nag-start na ‘andoon na agad. Lahat po ng meron po ako ngayon, pinaghirapan ko siya simula noong maliit ako. So sa lahat ng aspiring singers diyan, huwag kayong mapagod na sumubok kasi ako nagkaroon ng time sa akin nanapagod na rin ako na mag-try kasi feeling ko wala na kasi palagi ako natatalo, natatanggap. Pero, at the end of the day… iyung perfect timing ni God. Iyun iyung dapat mong antayin.”

Sino kaya ang gustong ni Alliyah na ma-collaborate na singer in the future?

“Gusto ko po maki-collab sa very first idol ko hanggang ngayon… si Regine Velasquez. Before po, actually, nagkaroon ng time na mag-duet kaming dalawa sa mall show niya. Noong naka-duet kami habang kumakanta umiiyak ako. Hindi ako masyadong nakakanta ng maayos kasi sobrang overwhelm po ko. Gusto ko po maulit-ulit iyung pakiramdam na ganoon na makasama sa iisang stage ang idol ko.

 

 

 

 

“Sa lalaki: Erik Santos. Kasi idol ko rin si Angeline [Quinto]. Tapos palagi po ako nakikinig ng duet songs nila so pangarap ko pong maka-duet sa mga kanta niya.” Sabi niya.

Panoorin si Alliyah para sa darating na semifinals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Abangan din ang bago niyang movie na Finding You starring Jerome PonceBarbie Imperial, at Jane Oineza.

Para sa dagdag na detalye, bisitahin ang kanyang official Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s