Kyle Philippe, mas focus sa singing career

throy photo name

 

NAG-PERFORM ang dating The Voice Kids semi-finalist na si Kyle Philippe last Saturday, May 18, na ginanap sa 33 degree Bistro kasama ang mga ilan sa mahuhusay na artists sa show na Battle of the Voices.  Hindi naman nagpakabog sa performance si Kyle dahil paglabas pa lang niya sa stage nagsigawan na ang mga tao esp ang kanyang mga fans.

Ano kaya ang feeling ni Kyle na naging parte siya sa nasabing show? “Sobrang saya po kasi nakakapag-perform po ako ulit sa maraming tao.” Sabay ngiti ng binata.

Sa kanyang pagbabalik sa pag-kanta, ano kaya ang mga events o projects na inaasikaso niya ngayon?

“Meron po akong original songs na ire-release sa Spotify soon. Abangan niyo po iyan. And Magge-guest din po ako sa Wish 107.5 bus. Soon din po,” Sabi ni Kyle.

Shinare din niya kung sino ang nag-compose ng lahat ng kanyang songs. “[Lahat ng kanta ay] Ibinigay po sa aking ng good friend ko… It’s R&B and senti sad songs.”

After ng release ng kanyang single, may plano siyang mag-mall tour para i-promote ang kanyang bagong single.

Nag-iwan siya ng mensahe para sa mga aspiring singers. “Guys, continue lang po sa pagkanta kung gusto niyo po talaga ang ginagawa mo. Sabi nga nila ‘Kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, may dahilan.’… Sa mga singers na gustong matuto, go for it, guys. Huwag kayo maggi-give up.”

Marami siyang minensyon na favorite singers pero isa lang talaga ang pinaka-favorite na singer, “Ang pinaka-favorite ko talaga ay si Bruno Mars… kasi total performer siya talaga. Actually, different instruments din kaya niyang [tugtugin].” Deklara pa ni Kyle.

For more updates sa mga upcoming events ni Kyle Philippe, bisitahin ang kanyang Facebook page.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s