Ang kantang “Amatz” ni Shanti Dope, posibleng ma-ban?

throy photo name

NAGING kontrobersyal ang latest single ng rapper na si Shanti Dope na “Amatz” dahil pino-promote daw ng kanta ang paggamit ng Marijuana.

Ayon sa statement ni PDEA Director General Aaron Aquino yesterday, Mayo 23, gustong i-ban ang nasabing kanta dahil sa mga lyrics na related sa paggamit ng masamang droga.

“It appears that the singer was referring to the high effect of marijuana, being in its natural/organic state and not altered by any chemical compound” Ang tinutukoy ni Aaron ay ang lyrics na: “Lakas ng amats ko. Sobrang natural. Walang halong kemikal”

Samantala, dumepensa naman ang management ni Shanti Dope tungkol sa pag-ban ng kanta. Sinabi nila sa kanilang post sa official Shanti Dope Facebook page na hindi lang tungkol sa paggamit ng pinagbabawal na gamot ang kanta. Sa unang part pa lang ng kanta ay against na sila sa paggamit ng iligal na droga. Anya:

“We enjoin Director Aquino to listen to the whole song, and not just take a few lines out of context. The song begins with the persona talking about the ill effects, the violence, and dangers of drugs…

“It then continues to talk about the lessons from the persona’s father, and how this persona was challenged to go beyond the expected…

“This is all in the first part of the song. And NONE of it promotes marijuana use. In fact it clearly shows the persona taking a stand against illegal drugs, while at the same time pointing out that what has made him “fly” (so to speak) is not drugs, but music.”

Lalong pinagtibay ang depensang ito nang ma-interview si Shanti Dope sa MYXPH.com nung Marso habang ginagawa ang music video ng Amatz. “Napapansin ko kasi sa generation ngayon na maraming kabataan, tao ang naghahanap ng sagot sa iba’t-ibang klase ng ‘amatz… Pino-promote ko iyong natural lang, parang iyong ‘amatz’ ng musika sa akin.” Sabi ni Shanti.

Hindi lang “Amatz” ang naging kontrobersyal na kanta na na-link sa illegal na droga. Noong 1995, ang dating Chairman of Senate Committee on Youth and Sports Development na si Tito Sotto ay gusto noong i-ban ang kantang “Alapaap” na pinasikat ng bandang Eraserheads dahil sa lyrics na: “Masdan mo ang aking mata, ‘di mo ba nakikita. Ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na. Gusto mo bang sumama?”. Kasama rin sa gustong i-ban noon ay ang “Laklak” ng Teeth at “Iskolar ng Bayan” ng Yano.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s