Jake Zyrus, may mensahe sa LGBT community na gustong pumasok sa showbiz

throy photo name

SOBRANG saya ang naramdaman ni Jake Zyrus dahil sa dami nang pumunta sa kanyang event na Frontrow: We Are Proud na ginanap sa Frontrow office sa Mother Ignacia Street, Quezon City. Si Jake Zyrus ay bahagi na rin ng Frontrow na kilalang health and beauty products ngayon na pagmamayari nina RS Francisco at Sam Verzosa.

Sa nasabing event, pino-promote niya ang kanyang autobiography na “I Am Jake” kung saan malalaman ang iba pang detalye tungkol sa kanyang buhay before at after niya mag-transition into trans man.

 

Frontrow International, todo suporta kay Jake Zyrus

Nagpapasalamat ang international LGBT icon sa supportang natatanggap niya from the LGBT community. Anya: “I feel very bless. I’m very happy. A lot of people show up. Iyung energy. Iyung support system ng LGBT community is amazing.”

Masaya si Jake sa pagtanggap ng Frontrow International sa kanya bilang isang LGBT endorser.

“I heard a lot of great things about Frontrow this past few years. I remember every time na may nakikita ako na billboard na nakukuha nila ang mga biggest stars in the world. It’s just amazes me… But the biggest achievement of being part of Frontrow family is that you feel like… at home. You do feel like you have a new family that accepts you and loves you unconditionally. And they make me feel that way… It’s a honor. It’s such a blessing for me. So, thank you, [Frontrow].” Deklara niya

Say ni Jake sa mga produkto ng Frotrow

Inamin niya na nakakatulong sa kanya ang mga produkto ng Frontrow habang nagta-transition siya bilang trans man.

“Ever since nag-transition ako, all of a sudden lumabas ang lahat ng acne ko and I can’t stop that kasi nagtuturok ako ng male hormones. Siyempre nagkaroon ng hormonal imbalance kasi naglalaban ang [female and male hormones ko]… [Dahil doon, gumamit ako] ng parang all-in-one na foundation. Meron na siyang moisturizer, sun protection. That’s what I use.” Proud na sabi ni Jake.

Upcoming projects ni Jake Zyrus

Sikreto muna ang mga upcoming projects ni Jake with Frontrow pero shinare niya na malapit nang matatapos ang kanyang bagong album.

“Album is almost finish. I think we just waiting for one or two songs to be recorded, and then it’s going to come out soon.

“For now, I’ve been doing shows outside of the country and here [in the Philippines].” Sabi ni Jake.

Mensahe ni Jake sa mga LGBT member na gustong pumasok sa showbiz

Inamin ni Jake na nakakaramdam pa rin siya ng diskriminasyon sa showbiz industry sa mga miyembro ng LGBT. Ang advise naman ni Jake para sa mga miyembro ng LGBT na gustong pumasok sa showbiz ay maging matatag palagi.

“Tatagan ng dibdib. Totoo naman iyun kasi sa showbiz world is not easy. It’s not a game. It’s not something na pumasok ka, akala mo nandoon ka na. You have to start somewhere. When you start somewhere, you always have to be humble. You always have to think and… tibayan ang loob talaga. Tibayan ng dibdib when you go to showbiz world kasi una sa lahat mga bashers mo. They say all the things na hindi totoo. Siyempre, they don’t know you. It’s going to happen.” Advise ni Jake.

Para sa mga upcoming projects at tours ni Jake Zyrus, bisitahin ang kanyang Facebook page.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s