Alliyah Cadeliña at Rhed Bustamante, pumirma ng kontrata sa Mannix Carancho Artist and Talent Management

throy photo name

KILALA ang pangalang Mannix Carancho pagdating sa larangan ng pampaganda dahil sa kanyang beauty brand na Prestige. Ngayon ay sasabak sa bagong business venture si Mannix.

Nung Lunes, June 3, ni-launch ang Mannix Carancho Artist and Talent Management na ginanap sa Cornerstone Building sa Mother Ignacia Street, Quezon City.

Kasabay ng launch ng nasabing talent management, in-introduce na ang kanilang bagong dalawang talent: ang Tawag ng Tanghalan semi-finalist na si Alliyah Cadeliña at Ang Probinsyano child star na si Rhed Bustamante.

Pumirma ng 5-year contract si Alliyah while si Rhed naman ay pumirma ng 2-year contract under Mannix Carancho Artist and Talent Management. Kasama nila ang kanilang manager na si Amanda Salas.

Si Alliyah ay 7th time defending champion at 2nd semi-finalist sa It’s Showtime segment na Tawag ng Tanghalan. Kamakailan lang, lumabas na siya sa una niyang movie na Finding You under Regal Entertainment Inc. Now showing pa rin ang nasabing pelikula.

Ano naman ang pakiramdam nang makasama ka sa pelikulang Finding You? Aniya, ” Sobrang thanful po ako kasi nakasama ako sa pelikulang ito at nagpapasalamat po ako sa diyos dahil sa wakas po yung paghihintay po namin ng matagal ay unti-unti na po nagbubunga sana po tuloy tuloy na ang mga blessing. ”

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang laban ni Alliyah sa Tawag ng Tanghalan. Ano kaya ang preparation ang ginagawa niya ngayon? “More on discipline sa sarili kasi hindi ko po [pabayaan ang boses ko]. Kapag napabayaan ko ang lalamunan ko tapos semi-finals na, mukhang mahirap na. Siyempre po sa pagkanta more on practice, namimili ng tama kanta para po sa mga laban. Hindi po kasi biro iyun. Sunud-sunod na araw po iyun.” Sabi ni Alliyah.

Samantala, si Rhed ay unang lumabas sa telebisyon sa Kapamilya variety show na It’s Showtime. After that, sunud-sunod na ang kanyang mga projects sa Kapamilya network like Flor De Liza, Galema: Anak ni Zuma, at Pusong Ligaw. Ngayon ay isa na siya sa regular cast ng action teleserye na Ang Probinsyano.

Nagpasalamat si Rhed na parte na siya ng Mannix Carancho Artist and Talent Management. Anya: “Gusto ko lang po pasalamatan si Tita Amanda [Salas], si Tito Mannix para sa pagtanggap sa akin [sa management na ito]. Thank you.”

Dugtong pa niya, “Ganon din po sa bumubuo nang Ang Probinsyano esp kay kuya Coco Martin dahil sa tiwala at muli po akong nakabalik sa showbiz at nagkaroon po ng magagandang project tulad po ng Ang Probinsiyano, Salamat po ng marami.”

Nag-share naman ng letrato si Alliyah sa kanyang Facebook page at nagpasalamat kay Mannix at sa bumubuo ng nasabing talent management. “Thank you Mannix Carancho artist and talent management family.” Sabi ni Alliyah sa caption.

Para sa dagdag na impormasyon about Alliyah Cadeliña at Rhed Bustamante, bisitahin ang kanilang Facebook page.

Panooring ang buong videos during presscon and contract signing event:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s