Jeremiah, muling nagsama para sa kanilang reunion concert sa Zirkoh

throy photo name

KAHIT na bihira na silang magsama-sama bilang boy band, nananatili pa rin close ang grupong Jeremiah. Matatandaan natin na marami na silang pinasikat na kanta noong late 90’s at early 2000s katulad ng “Nanghihinayang” na naging theme song ng pelikulang “Labs Kita, Okey Ka Lang?” na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Kahapon, June 6, nagkaroon ng reunion concert ang Jeremiah sa Zirkoh, tomas morato at succesful ang nasabing show talaga naman na miss ng mga fans at mga dati nilang mga supporters kahit ang mga pamilya at close freinds ng grupo ay present din ng gabing yun. Sinamahan pa sila ng mga mahuhusay na guest tulad ng Asia’s Diva na si Dulce , Maffy Soler, Janah Saplan at marami pang iba. After ng event, nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap namin sila.

Nagsama-sama sila ngayon. Ibig sabihin ba nito ay may kasunod pa bang concerts at guestings ang Jeremiah?

“Sana, Sana. Sana every year may ganito kamin na magkakasama kami.” Sabi ni Olan Crizaldo.

Bihira na nagsama-sama ang Jeremiah dahil may kanya-kanya na silang pamilya. Sina Olan at Symon Soler ay nakatira ngayon sa United States. Ang iba mga miyembro ay nagkaroon na ng pamilya dito sa Pilipinas.

Masasabi ngang memorable ang nasabing reunion concert dahil pinaghandaan talaga nila ito para sa kanila mga fans.

“From the preparation, to rehearsals na walang sawa, walang humpay hanggang sa the execution itself… Iyung pagsasama namin 16 years ago, parang walang nagbago. Iyung tinginan pa lang namin para makuha ang tono, nandoon pa rin.” Sabi ni Symon.

Kahit na nawala sila sa industriya na mahigit isang dekada, marami pa ring fans ang hindi nakakalimutan ang kanilang mga kanta. Ano ang kanilang sikreto?

“I think, iyung time namin noong late 90’s at early 2000’s talaga iyung hugot songs kasi galing sa puso. Iyung mga kanta namin ay talaga nakakaantig. Parang iyung sinabi ko para sa sawi, para sa mga iniwan, at para sa mga nang-iwan. But still it gives the lesson to everyone na love is there.” Deklara ni Symon.

May plano silang gawing taunan ang nasabing reunion concert at hopefully ay matuloy ang kanilang susunod na album. Sa ngayon ay nagre-record na sila ng mga bagong kanta at yan ang aabangan ng lahat na muling maging aktib ang grupo sa ngayon nadagdag sa grupo ang bagong member na si Jules dahil pabalik na sina Olan at Simon sa amerika dahil may kanya-kanya pa silang mga trabaho naiwan dun. Yun na!!!

Para sa dagdag na detalye, panoorin ang video para sa buong interview.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s