Dulce, may mensahe sa kanyang mga bashers

throy photo name

KAHIT na tinitingala bilang isang mahusay ng mangaawit ang Asia’s Diva na si Dulce, hindi rin siya ligtas sa mga bashers.

Ikinuwento ni Dulce ang kanyang experience sa kanyang mga kritiko sa social media. Related ito sa usap-usapan na hindi na raw ire-renew ni Presidente Rodrigo Duterte ang franchise ng ABS-CBN Corp. na mage-expire sa 2020.

Ayon sa mga bashers, hindi man lang daw nagko-comment o dine-defend ni Dulce ang Kapamilya Network kung saan may show si Dulce.

Ang respond ni Dulce: “Kung may problema [ang ABS-CBN], tapusin nila. Malay ko ba diyan… May nang-aaway sa akin… ano raw ‘wala akong paninindigan’ or something. Wala talaga akong puwedeng sabihin [dahil hindi ko talaga alam].

“Kaya sinabi ko for sure kung meron ganoong something ay baka may utang. Kapag may utang, bayaran. Ganoon naman iyun.

“Tsaka hindi naman gugustuhin ni Duterte na mawala ang trabaho ng maraming tao. Hindi siya ganoon.” Sabi pa niya.

Ano kaya ang mensahe niya sa kanyang bashers?

“Actually, mas nangingibabaw iyung compassion. I believe iyung compassion natin ng Panginoon, lahat tayo mahal ng Diyos. Kahit na ganoon ang ugali natin, mahal tayo ng Diyos.

“Kahit medyo inabot tayo minsan ng puwede tayo mainis, at the end of the day you always go back [and reflect]… Kapag may nangyayaring pangit, you have to stop, and think, and pray kasi ano na lang kung papatulin mo na lang ang mga problema sa mundo. I just pray for them.” Deklara ni Dulce.

Ano naman ang mensahe kay Pangulong Duterte?

“Si Pangulo, ano iyan, masyadong mabait. Akala ng tao ganoon siya… He talks about God. He talks about the goodness of the Lord… Nanalo naman siya na walang makinarya. Let’s face it. It is his destiny.” Sabi ni Dulce.

Kahit na may nagba-bash sa kanya ay pinili pa rin ni Asia’s Diva na mag-focus sa kanyang upcoming projects. Isa na rito ang kanyang concert sa July 6 with Marco Sison at Raymond Lauchengco na gaganapin sa Ateneo de Manila, at sa July 13 meron siyang concert with Rey Valera sa Music Museum.

Mapapanood si Dulce bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. Monday to Saturday at 12 nn.

Para sa dagdag na detalye tungkol sa upcoming shows ni Dulce, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s