Panoorin: Janah Zaplan, masayang nakasama sa reunion concert ng Jeremiah

throy photo name

SUCCESSFUL ang reunion concert ng boy band na Jeremiah na ginanap sa Zirkoh last Thursday, June 6.

Marami ang nakisaya sa reunion concert katulad ang Asia’s Timeless Diva na si Dulce at ang teenage singer na si Janah Zaplan.

Ang talented na si  Janah Zaplan ay recording artist ng Ivory Music. Isa siya sa mga quarter-finalist sa talent portion ng Eat Bulaga na Music Hero. Ni-release niya ang kanyang latest single na “More Than That” last April. Out na rin sa digital music store ang “Mahal na Kita” at “Hindi Ko Na Kaya“.

Janah Zaplan (1)

Hindi matago ang saya ng Millennial Pop Princess dahil isa siya sa mga special guests ng nasabing reunion concert. Anya: “Siyempre po honored and thankful po ako. Of course po una po kay God kasi he has given me this opportunity to meet people like Mr. Piwee and… makasama sa concert nila.

“Sobrang happy ko lang din po kasi siyempre si Ms. Dulce po kasama, at ang Jeremiah nakasama ko po sa Solaire. Grabe po talaga sa pakiramdam iyun.”

Kahit na hindi kapanahunan ni Janah ang Jeremiah, umoo siya agad sa offer na makasama sa show.

“Opo. Oo naman po. Sino po naman ako para tumangi, ‘di ba? Siyempre kahit ano po iyan, tanggap lang po ng tanggap ng mga opportunities lalo na katulad ng ganito po.” Sabi ni Janah.

May plano rin pumasok sa pag-arte si Janah. Sino kaya ang gusto niya maka-tambal?

“Gusto ko po kasi iyung swag niya. Mahilig po ako sumayaw pati rin po si Erique Gil. So, sobrang idol ko siya doon, and of course sa pag-aarte rin. Napakagaling niya po.”

Inamin din niya na sobrang idol niya si Sarah Geronimo at ang favorite male singer naman ay ang Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

For more info tungkol kay Janah, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Panoorin ang video na ito para sa buong detalye:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s