Carlo Mendoza, malaki ang potensyal bilang mahusay na singer

throy photo name

HINDI kong inakalang  first time nag-perform on stage ang singer na si Carlo Mendoza. Nag-perform siya sa birthday concert ni Macoy Mendoza na may pamagat na “Puwede Kaya” sa The Music Hall kagabi, June 14.

Nalaman namin ito nang makausap namin si Carlo after ng kanyang performance. Inamin niya na palagi siyang pinagsasabihan ni Nay Jobert Sucaldito bago pumunta ng entablado. Anya: “Kaya kanina, bagong mag-start, sinasabihan ako ni Nanay Jobert na huwag ako magulo sa stage kasi iyun talaga ang problema ko… Pero of course learn your past mistakes.”

Bago pa siya pumasok sa music industry, nagkaroon siya ng interest gumawa ng mga videos at i-upload sa kanyang YouTube channel. After nito, na-discover siya ni Nanay Jobert.

“Na-discover po ako ni Nanay Jobert sa friend niya… Ang pangalan niya po ay Tita Yogi. Around 2016 po yata iyun tapos ginest ako sa DZMM tapos… hindi pa po ako kasi medyo tapos sa studies ko kaya pinagbawalan ako.

“‘Tas ngayon po, iyung friend ng kuya ko ay parang ka-close ni Nanay Jobert, si Nanay Maine [Nieto]. Tinanong niya ako about sa industry na ito kung interesado ba ako.” Kuwento niya

Sinu-sino kaya ang mga iniidolo niya na gusto niya maka-collaborate?

“Si Sir Gary. Na-meet ko nga siya the other day… Gusto ko ma-collaborate si Kuya Kiel [Alo] siyempre… Sa babae, siyempre tataasin ko na, si Morissette Amon… [Gusto ko mag-collaborate kay Morisette] kasi siya iyung palaging napapanood na super strong na parang marami akong matutunan kapag nag-collaborate kami.” Sabi ni Carlo.

Curious naman kami kung sinu-sino ang mga crush niya sa showbiz.

“Crush ng lahat si Liza [Soberano]. Si Liza tsaka si Nadine Lustre… Si Liza po, maganda po. Si Nadine naman before talaga crush ko talaga siya tapos gandang Pilipina.” Sabi niya.

At dahil bago pa lang sa industriya si Carlo, pinagsabihan siya ni Nanay Jobert na i-ehance ang kanyang talento sa pagkanta bago mag-record ng kanyang first album.

“Parang gusto po niya ako mahinog sa performing. Pag-aralan ko muna ang pagkanta [bago ako bigyan ng album]” Deklara ni Carlo.

Gusto mo malaman ang iba pang upcoming projects ni Carlo? Bisitahin ang kanyang Facebook page.

Para sa buong interview, panoorin ang video na ito:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s