Macoy Mendoza, marami ang nanood ng kanyang birthday concert

throy photo name

NAGING matagumpay ang birthday concert ng 19-year old na singer na si Macoy Mendoza. Ginanap ang kanyang very successful concert na pinamagatang “Pwede Kaya” sa The Music Hall sa Pasig kagabi, June 14.

Full-pack ang mga sumuporta, taga-media at kanyang pamilya sa nasabing concert. Hindi rin maiwasan ng mga manonood ang mapakanta sa mga pamilyar na kanta na inawit ni Macoy.

Inamin ni Macoy na first time niya mag-organize ng isang birthday concert, at ito rin ang second major concert niya. Hindi maiwasan i-share ang kanyang experience during the concert.

“Sobrang happy po and relive po kasi natapos ko iyung concert na na-deliver ko naman po… Nakita ko sa audience na natuwa sila. I’m very happy po kasi… ang daming pumunta sa birthday ko na first time makagawa ng malaking event sa birthday ko.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng pumunta, sa pamilya ko, kay nanay Jobert [Sucaldito], Tito Butch [Miraflor], at sa aking very supportive na manager, Maine Nieto.” Sabi ni Macoy.

Paano ang kanyang paghahanda sa kanyang birthday concert?

“Weeks lang po [ang whole preparation ng concert] kasi nagahol po kami sa oras dahil ang dami rin naming jina-juggle na mga events na piniputahan po ngayon tapos sumali po ako sa contest. So pahirapan nga po.” Ang tinutukoy niyang contest ay ang upcoming talent show ng ABS-CBN na “The Moment“.

“Buti na lang nandito sina Tito Butch at ang mga elders na guna-guide sa akin para mas lalo po ako maging better [mag-perform].” Dugtong niya.

Napapansin namin na puro mga kilalang foreign songs ang kanyang kinakanta lalo na mas marami ang mga kanta ni Adele. Sino kaya ang iniidolo niya?

“Ang mga influencers ko po, mas marami po sa international: Si Adele, Bruno Mars, Ariana Grande… sina Lea Salonga… Pero mas favorite ko po si Adele” Sabi ni Macoy

Out na ngayon sa mga kilalang digital music store ang kanyang single na “Pwede Kaya” ni kinompos ni Vehnee Saturno. Meron ba siyang bagong single na ire-release?

“Sa ngayon opo, pero ayaw ko muna sabihin kung ano para may element of surprise” Sabay tawa si Macoy.

Gusto mo malaman ang iba pang upcoming projects ni Macoy? Bisitahin ang kanyang Facebook page.

Para sa buong interview, panoorin ang video na ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s