Gello Marquez, nakapasok na sa ‘Theater Round’ ng Idol Philippines

throy photo name

NAKAPASOK na sa next level ang baguhang singer na si Gello Marquez sa sikat na Kapamilya talent search na Idol Philippines.

Hindi makapaniwala si Gello na makakapasok siya dahil first time niya sumali sa isang singing contest. Inamin din niya sa amin na may halong kaba at saya ang nararamdaman niya.

“Sobrang unexpected po and at the same time nakakatakot po kasi siyempre… aminado po ako na hindi po akong tipo na singer na pang-contest. First time ko po sumali sa contest, sa TV pa.  Nakaka-pressure pero at the same time nakakatuwa po kasi iba po iyung nabibigay na saya like kunwari nakakapasaya ka ng maraming tao…

“Noong nago-audition talaga ako sobrang nakakaba siyempre. Sino po ang hindi kakabahan? Ang mga judge ay sina Vice [Ganda], Moira [dela Torre], si Regine [Velasquez-Alcasid], at si Jame [Reid]…

“Nakakakaba po pero siyempre kapag nandoon ka na kailangan gawin ang best mo.” Kuwento ni Gello.

Sino kaya ang mga influencer niya pagdating sa kantahan?

“Mga influence po sa akin siguro si Michael Pangilinan. Sinasabi nila pareho kami ng boses. Sina Jay-R, mga international, kadalasan R&B, Michael Bublé

“Sa babae? Sarah G. siguro. Siyempre iba po iyung level niya. Nakakatuwa kapag kumakanta siya.” Sabi ni Gello.

Ano kaya ang paghahanda niya para sa next level ng Idol Philippines?

“Paghahanda?… Para sa akin po, ang pagkanta ay hindi all about pataasan ng boses or what, ‘di ba? Para sa akin dapat maganda pakinggan hanggang sa kapag kumakanta ka dapat nararamdaman ng mga tao ang kanta. Dapat lagi galing sa puso. [Doon po ako magfo-focus.]”

For more info tungkol kay Gello Marquez, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Para sa buong interview, panoorin ang video na ito:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s