Jhamil Villanueva, mas determinado sa kanyang singing career after Idol Philippines

throy photo name

NAKAKALUNGKOT dahil isa si Jhamil Villanueva sa natanggal sa ‘Theater Round’ ng Kapamilya talent show na Idol Philippines.

Pero kahit wala na siya sa nasabing show, masaya pa rin siya dahil marami siyang natutunan at naging mas disiplinado siya pagdating sa paghahanda ng kanyang performance. Anya: “Mas naging madisiplina po ako sa mga iniinom ko. Iyung mga inumin na bawal. Everyday po ako nagpa-practice. Nagvo-vocalization po para mas okay ang boses ko.”

Aminado na iba ang kanyang boses kumpara sa mga kalaban niya sa show, pero okay lang sa kaniya dahil ang importante ay makanta ng maayos ang kanyang mga kanta?

“Iyung genre ko more on acoustic po talaga. Ganoon po. Ballad po. Hindi po [ako bumibirit]. Low range lang po talaga.”

Ano kaya ang dapat abangan sa kanya after Idol?

“Siguro, ang dapat abangan nila sa akin ay mas magi-improve na Jhamil. Hindi lang po iyung nakita niyo sa audition. Mas ilalabas ko po ang sarili ko sa comfort zone ko. Magta-try ako ng iba na hindi pa nakikita before.”

Sinu-sino kaya ang mga idolo niya na local singers?

“Siyempre sa local po sina Michael Pangilinan, Daryl Ong, si Bugoy Drilon. Sobrang laki po ng tinulong nila sa akin… Sa babae po? Si Ate KZ Tandingan po.”

For more info tungkol kay Jhamil Villanueva, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Para sa buong interview, panoorin ang video na ito:

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s