Anthony Rosaldo at Mikee Quintos, magsasama sa major concert na ‘Revelation’

throy photo name

INAABANGAN na ngayon ang pagsasama sa iisang major concert ng dalawang Kapuso celebrities na sina Anthony Rosaldo at Mikee Quintos. Ang title ng kanilang major concert ay “Revelation” na gaganapin sa Music Museum sa June 28th, Friday.

Ayon kay Anthony, mas personal ang concert na ito kumpara sa mga dati niyang performance. Sa kanyang projects katulad ng mall shows, kung ano ang mas popular o mas pabor sa event organizers, iyun lang ang kakantahin niya.

Sa kanyang first major concert na ito, sisiguraduhin na magiging espesyal ang kanyang performance lalo nang tribute niya ito sa kanyang mga fans. Marami ang sumuportang fans kay Anthony since naging grand finalist siya ng Eat Bulaga‘s Spogify hanggang napasama siya sa Final 6 ng The Clash.

Samantala, first major concert din ito ng Kapuso actress na si Mikee. Mas nauna talaga ang kanyang career sa pagkanta, pero habang tumatagal ay nag-focus lalo siya sa pag-a-arte kaysa sa kanyang singing career. Mas kilala si Mikee sa kanyang teleserye na “Encantadia” at “Onanay“.

Aminado si Mikee na magiging mahirap ito sa kanya pero tinanggap ang challenge na ito dahil sa pagmamahal niya sa pag-kanta.

Available ngayon ang tickets para sa kaunaunahang major concert nina Anthony Rosaldo at Mikee Quintos. Mabibili ang mga tickets sa Ticketworld (891-9999) o kaya sa Ticketworld website at sa Music Museum (721-6726).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s