Mga kaibigan, at katrabaho ni Eddie Garcia, inalala sa unang araw ng wake; Philippine Army, nagbigay pugay

throy photo name

NAGLULUKSA ngayon ang showbiz industry lalo na ang mga tagahanga ng beteranong aktor at filmmaker na si Eddie Garcia.

Marami ang nalungkot nang lumabas ang balitang pumanaw na ang award-winning veteran actor. Ayon sa medical bulletin mula sa Makati Medical Center, pumanaw si Eddie at 4:55 PM last Thurday, June 20.

medical bulletin

Marami ang dumalaw sa unang wake para magbigay respeto kay Manoy. Karamihan ay galing sa showbiz industry katulad nina Gloria Romero, Tony Mabesa, Bibeth Orteza, Jestoni Alarcon, Gardo Versoza, Tirso Cruz, Rex Cortez, Ricky Davao, at si Coco Martin. Ginanap ang wake sa Heritage Memorial Park sa Taguig City last Friday, June 21.

Pinipigilang umiyak si Coco habang kinukwento niya ang magagandang alaala niya sa yumaong veteran actor.

Anya: “Sabi nga nila parang national treasure na rin siya. Bihira ang ganyang tao… [Ang hinahangaan ko sa kanya ay] pagiging propesyonal niya. Iyung sobrang mahal ang trabaho mo… Hindi mo siya mapipintasan kahit anong bagay, bilib na bilib ako sa kanya. Kahit kumakain na iyan, kung may taong gustong magpa-picture sa kanya, hihinto niya ang pagkain niya, tatayo iyan…”

Nakatrabaho ni Coco Martin si Manoy sa Kapamilya teleseryeng Ang Probinsyano. Ito rin ang huling teleserye ni Eddie Garcia sa Dos.

eddie-garcia-ml

Hindi rin maiwasan masabi ni Rez Cortez ang working condition ng mga nagtatrabaho sa taping.

“Sana naman sa nangyari kay Eddie Garcia ay magkaroon na ng katuparan ‘yung matagal na naming minimithi, na sana mabigyan na ng lunas ‘yung matagal nang hinihingi ng mga manggagawa sa pelikulang Pilipino na maging ligtas, maging safe ang place of work. Sana magkaroon na ng ng safety officers sa set, mayroong mga medical team, may ambulance, may insurance, at among others…” Deklara ni Rez.

Kahapon, June 22, nagbigay pugay naman ang Philippine Army sa yumaong aktor.  Matatandaan natin na na-deploy si Eddie sa Okinawa, Japan bilang military policeman pagkatapos ng World War II. Dati rin siyang aktibong miyembro ng Philippine Scouts noong bata pa siya.

Patuloy pa rin ang wake ni Eddie Garcia hanggang Linggo, June 23.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s