X Factor UK finalist Maria Laroco, kamusta na kaya siya ngayon?

throy photo name

KAHIT sandali lang nag-perform ang dating X Factor UK finalist na si Maria Laroco, todo bigay pa rin siya sa kanyang performance habang kinakanta niya ang Bang Bang na pinasikat nina Jessie J, Ariana Grande, at Nicki Minaj.

Nag-perform si Maria sa 2nd leg ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Patriot’s Cup na ginanap sa SM Fairview last Sunday, June 23. Inibita siya as a guest performer.

Pero bago pa siya bumirit sa half-court, nagkaroon kami ng pagkakataon na ma-interview siya. Mukhang okay na okay si Maria sa kanyang natatanggap na blessings after ng pagsali niya sa X Factor UK last year.

Dahil dito, nagpapasalamat siya sa kanyang mga supporters. Anya: “I’m actually feeling very amazing, and feeling very good after X Factor UK. It has been a very wonderful and great experience for me, and siyempre po after that a lot of doors has opened for me po. A lot of opportunities has come to me this year, 2019. I am so grateful for all of that especially to our Lord God, and to all my supporters out there [and of course] my family.”

Balita namin na magkakaroon na siya ng solo album under an American record label. Is that true?

“Yes po… We will be recording my album next week, and I hope you guys abangan niyo po ito…

“I haven’t tried to write my own songs yet, pero po I’m planning it in the near future po. But now, I would be releasing my songs in partnership with an American label. It’s called Odic Records.

“I’m so excited for you guys to hear all the songs that is part of the album. Kaya abangan niyo iyan. Malapit na malapit na!” Galak ni Maria.

Nakakabilib dahil ire-release ang nasabing album worldwide under Odic Records. Si Maria rin ang nag-iisang Pilipinong nakasama sa nasabing record label.

Curious din kami kung sino kaya ang dream niya na maka-duet o makasama mag-perform in the future.

“Siyempre sa international, I love to collaborate with the one and only Ariana Grande, and Jessi J po. Sa Philippines, si Ate Morissette [Amon] and Sarah Geronimo.

“Mula bata pa po ako, [Si Sarah Geronimo] na po ang idol ko.

“Male artist? Sa International po si Bruno Mars at si Calum Scott. [Sa local male artist?] Hindi na po ako lalayo. My ka-batch sa The Voice Kids: sina Darren or Jake.” Sabay tawa ni Maria

“It was different first kasi English. hahaha… Tapos medyo slang po ang English nila…

“Pero po super maalaga po nila. Like here in the Philippines, pareho lang din po pala na akala ko po magkakaiba pong pamamaraan sa showbiz base sa experience ko sa The Voice Kids at X Factor UK.

“Ang difference lang po siguro is that I’m super ready po na came to the UK.” Explain niya.

Nakasama si Maria Laroco sa X Factor nang tawagin siya after mapanood ang kanyang pinasang audition video. Kahit na madali nakapasok ay naging problemado rin dahil dapat sagot nila ang pamasahe papuntang UK.

Fortunately, nanalo si Maria sa isang contest sa The Great British Festival, isang annual cultural event na in-organize ng British Embassy sa Pilipinas.

Para mapanood ang buong interview, panoorin ang video na ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s