Nadine, level up na talaga dahil si Aga lang naman ang susunod na leading man

rohn romulo
NI: Rohn Romulo

LEVEL up na talaga ang three-time Best Actress na si Nadine Lustre dahil ang award-winning actor na si Aga Muhlach lang naman ang susunod niyang leading man.

Last July 1, nag-post ang Viva Artist Agency ng mga photos sa Instagram at may caption n, “Meeting for a new project!”

Kasama nina Nadine at Aga si Boss Vic del Rosario, ang iba pang Viva executives at ang director na si Nuel Naval.

Wala pang sinasabi kung ano ang pagsasamahang project ng dalawa, pero malamang na isa na itong pasabog na pelikula, kaya nakaka-excite ang pagtatapat nina Aga at Nadine.

At sa pagkalat ng balita, marami ngang netizens ang agad na nag-react, may natuwa dahil nga ibang level na ang narating ni Nadine at mukhang unti-unti na niyang naiiwan ang boyfriend at ka-loveteam na si James Reid.

May kumontra naman sa pagsasama nina Aga at Nadine, at may nag-nega na agad na baka matulad lang ito sa movie nina Aga at Bea Alonzo na hindi masyadong sinuportahan ng manonood, masyado na raw matanda si Aga para i-partner kay Nadine.

May nag-isip na baka mag-tatay ang roles nila o malamang na May-December love affair.

Wish ng netizens na sana raw ay iba na lang tulad ni Ian Veneracion.  At si Aga naman ay mas interesting kung magkakaron ng reunion movie with Lea Salonga na matagal nang hinihintay ng marami.  Puwede rin daw na muli siyang itambal kay Aiko Melendez, dahil marami pang kikiligin.

Pero abangan na lang natin ang trailer ng magiging pelikula nina Aga at Nadine, malay naman natin na maganda naman pala ang project kaya nilang tinanggap.

Huling napanood si Nadine sa magic realism na Ulan at next month ay may bago na naman siyang handog sa kanilang mga fans ang dance film na Indak na kung saan makakatambal niya si Sam Concepcion.

Mula ito sa direksyon ni Paul Basinillo at ipalalabas na sa August 7 sa mga sinehan nationwide.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s